Legend 20: "The Search Begins"

1.7K 25 9
                                    


A/N: Picture of Ayame Ishikawa sa multimedia section, katulong nina Ishi sa Yamamoto Ancestral House. Magsisimula na ang journey nila Ishi at Hiro para mahanap ang katotohanan tungkol sa Legend. :)  


***      

~Yashiri's POV~        


Tatlong araw na ang nakakalipas nang umalis si Toya sa bahay namin dito sa Chiba. Sina Makino at Mr. Seya naman ay bumalik na sa Tokyo dahil may aasikasuhin daw silang auditions para sa JPOP group. So, kami nalang ulit nina Lola Yumi, Lola Kyoko, pati si Hiroshi ang natitira dito sa bahay. Tahimik na ulit ang bahay.

"Gising ka na pala.." sabi sakin ni Hiroshi. Alas siete na ng umaga at nakatunganga akong nakaupo sa duyan. Hinihintay ko kasi yung agahan namin. Gutom na ko >.<

"Sabi mo agahan ko gising eh..."    

"Oo, tatlong araw na tayong delayed sa mga gagawin natin dahil sa biglaang pagkakasakit ni Lola Kyoko. Kaya dapat ngayon makaalis na tayo.."      

"Oo na...hay..ang tahimik naman..."    

"O, bakit ang tamlay mo? Miss mo na agad Toya mo?"  

"Ewan ko sa'yo...may agahan na ba?"    

"Oo, halika na kumain na tayo..."

Pagkatapos namin kumain ay inayos ko na yung mga dapat kong dalhin. Pupunta daw kami sa isang lumang library dito sa Chiba. Maghahanap daw kami ng mga lumang articles o libro about sa Inubosaki Lighthouse. Tssss...hindi ba uso internet? Ang sabi niya sinubukan na rin daw niya sa internet maghanap pero wala daw siyang makita na pwedeng i-connect sa babaeng nagpaparamdam sa lighthouse.

Nang makarating kami sa Chiba Prefectural Central Library, agad kaming naghanap ng mga libro. May nakita naman kaming mga libro.  Magkatapat kaming nakaupo sa isang mahabang table sa loob ng library. Halatang seryoso si Hiroshi habang nagbubuklat ng mga pages ng mga history books. Minsan ay napapatitig ako sa mukha niya kaya hindi ako makapag concentrate. Pinilig ko yung ulo ko at nagsimula na ring magbuklat ng librong hawak ko. Nakita ko naman ang old picture ng Inubosaki Lighthouse.

"Tignan mo 'to, Hiroshi." Sabi ko. Napaangat naman ng tingini si Hiroshi sa akin. "Ang sabi dito, itinayo yung lighthouse nung Meiji Era dahil sa pangangailangan ng mga mangingisda at mandaragat ng ilaw kapag gabi...so ibig sabihin matagal na pala yun dun.."

"Yes. At dating isang mataas na burol yun. Ito yung lumang picture niya, nung Tokugawa Era.."Pinakita sa akin ni Hiroshi yung picture at nakita ko ang pamilyar na malaking puno ng cherry blossom tree sa tuktok ng burol. Bigla akong namutla.

 "O, bakit namutla ka na diyan?"  Tanong ni Hiroshi.

"Pamilyar sakin yung...yung punong yan..."      

"Itong cherry blossom tree?"    

"Oo, yan yung pinakita sakin nung sinaunang babae. Diyan daw sila nagkikita ni Ojiro noon. So, gaya nga ng sabi ni Lola...300 years ago na ang legend na yun..."      

"Talaga? Yun nga ang malaking tanong sa isip ko eh. Paano ba nagsimula ang mga kwentong yun? Sino mga nakapagpatunay?"    

Napatahimik ako. So ibig sabihin pala, tama si lola. Ang kinatatayuan ng lighthouse ngayon ay dating tagpuan ng babae at ni Ojiro.

"Grabe, ang ganda pala talaga ng Otaki Castle noon..." biglang sabi ni Hiroshi. Nakatingin siya sa picture ng Otaki Castle, ang kastilyo dito sa Chiba kung saan nakatira noon ang mga Daimyo (Land Lord na inatasan ng mga Shogun noong Tokugawa Era).

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon