A/N: Nalaman niyo na kung paano nagkakilala sina Kenji at Fujiko at kung bakit inis na inis si Kenji sa painter na yun. Dahil talaga yun kay Hello Kitty hahaha.. joke. Sa chapter na to, mababasa niyo na ang unang POV ni Empress Shouko. Ay, hindi pa pala siya Empress dito hehe. Kaya, pasensya na ulit sa malalim na tagalog haha. Magvote at comment naman sana po kayo para masaya haha. :)
Media: May picture si Ojiro and Hiro my labs sa gilid. Hehe. What can you say guys? :p
***
~Yashiri's POV~
"Are you both ready?" tanong samin ni Dr. Misao. Nandito kami ngayon sa Tokyo para sa ikalawang hypnosis ko. But this time, kasama ko na sina Hiro, Fujiko at Kenji. Tatlong araw na rin ang lumipas nang umalis si Toya sa bahay. Pagkatapos kasi nun, hindi ko makalimutan yung banta niyang babalik siya para kunin ako kay Hiroshi. Hay, ang hirap naman maging maganda. Chos!
"Yes, doc. Ikaw, Hiro?" sagot ko kay doktora. Magkatabi ang couch na hinihigaan namin ni Hiro. Nagdesisyon siya na magpahypnosis na din. Baka sakali..magpakita na yung mga memories ni Ojiro.
"I think.. I'm ready.." sagot ni Hiro habang hawak niya yung kamay ko.
"Kapag nakita naming hindi kayo okay, gigisingin namin kayo agad okay?" sabi ni Dr. Misao.
"Ganito pala magpahypnosis..amazing.." sabi ni Fujiko na nasa kabilang side ng room katabi si Kenji na nakatingin lang samin.
"Tss.. gusto mo ikaw din? Para malaman mo na isa kang dinosaur sa past life mo?" sabi ni Kenji.
"Weh? Ang korni. Joke ba yun? Hahaha..eh ikaw try mo din, baka malaman mong babae ka pala sa past life mo..para kang may regla lagi eh haha.."
"Sapak gusto mo?"
"Scary haha.."
"Shhh..pwede huwag kayong maingay dalawa? Mag-uumpisa na kami.." sabi ni Dr. Misao. Yan kasi ang iingay niyo. Nagalit tuloy si pretty doctor.
Tumingin muli samin si Dr. Misao. "Okay, shall we start?"
Hinawakan ko nang mahigpit kamay ni Hiro. Lumunok ako at huminga ng malalim. Babalik na naman ako sa past.
...sa panahon ng Tokugawa Era.
***
~Shouko's POV~
*1702
"Mahal na mahal kita, Shouko-sama..pangako, iaalay ko sa'yo ang aking buhay..hindi ko man maibigay sa'yo ang higit pa sa tinatamasa mo ngayon, pinapangako kong paliligayahin kita habang tayo'y nabubuhay.." buong pagmamahal na sabi sakin ni Ojiro.
Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng kanyang mga sinabi. Bigla niya akong binuhat upang ibaba sa damuhan. Hinawakan niya ang aking mukha at tinitigan ako sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.