Legend 4: "Sweetest Way"

1.7K 31 9
                                    

 A/N: Picture of Hiroshi Ueda sa multimedia section hihi :)

***

Di ba malamig ngayong gabi?

Di ba manipis yung suot kong pantulog?

Eh bakit pinagpapawisan ako?

Nanginginig pa nga mga kamay ko.

Parang ang tagal naman..

3...2....1....

Ang tagal naman ng inaasahan kong halik..sige bilang pa ko ulit ng 3 seconds..

3...2...1.... Uhmmm.. 5 seconds nalang.. XD

CLICK!

5...4....3... Teka nakakahalata na ko ah!

CLICK!

Unti-unti ko nang binuksan mga mata ko.

FLASH. CLICK.

Ugh! Nakakasilaw!

"Say cheese! Hahah.." Narinig kong sabi ni Hiroshi.

Lintik na Hiroshi to! Kinukuhaan na pala ako ng picture! Ang panget ng itsura ko...mga more than 10 seconds pa naman akong naka-pout!

"ANOOOOOO BAAAA??? TIGILAN MO NGA YAN UEDA-SAN!!!!" sigaw ko sa kanya.

"Hahahahahah!.." tawa ng tawa si Hiroshi.

Grabe kung makikita niyo lang ako ngayon, sobrang pula ko na sa kahihiyan.

"HINDI KA NA TALAGA NAKAKATUWA.." Eto, nagwalk-out na ko. Bwiset talaga!

"Hey! Wait! Sorry na.." hinahabol ako ni Hiroshi. Sorry siya mas mabilis akong maglakad sa kanya!

"Eto naman, hindi ka na mabiro.. uyyy.."

Hindi pa rin ako nagsasalita..

Nang malapit na ko sa pinto ng bahay..saka naman...

"AYYY PESTENG BAYAWAK!" Natapilok ako! Bakit naman kasi may nakaharang na malaking bato sa daanan na 'to? At bakit ang tanga ko para hindi ko yun makita?

"Koizumi-san, are you alright?" Agad akong nilapitan ni Hiroshi. Lumuhod siya sa tabi ko. "Ano'ng masakit sa'yo?" hinawakan niya braso ko.

"Wala..bitawan mo nga ako.."

Ang malas ko talaga...ang tanga tanga ko!

Sinubukan kong tumayo. Ouch, ang sakit ng paa ko..

"Tignan mo, masakit na yung paa mo...halika bubuhatin na kita.."

"I can take care of myself..go away!" pinipilit ko pa ring maglakad. Hindi na ko maniniwala sa ugok na to promise!

"You're so stubborn.." Bigla nalang akong pinangko ni Hiroshi. "Let's go inside.."

"Ano ba ibaba mo nga ako!"

"Will please be quiet? Baka magising mo mga lola natin.." Bulong niya sa tenga ko. Nakakakiliti. Nakakaexcite.. Ano ka ba naman  Ishi, ang landi landi mo. 17 ka pa lang ang dami mo nang naiimagine!

Dahil sa sinabi ni Hiroshi ay nanahimik nalang ako. Pumasok kami sa loob ng bahay. Akala ko, dadalhin niya ko sa sofa para i-upo..pero laking gulat ko nang umakyat kami ng hagdan...

Papunta sa kwarto niya!

"Hoy! Bakit tayo pupunta sa kwarto mo???" kinakabahan kong sabi.

"Just be quiet.." bulong pa din niya. Sabay ngiti niya sakin ng nakakaloko.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon