A/N: Picture of Akemi Tsukino sa gilid. Member siya ng JPOP Group na 'Limelight' :)
***
~Akemi’s POV~
“You sure okay ka na, senpai?” sabi ko sa Kuya ni Makino. Nakaupo kami sa harap ng room ng lola niya habang hawak niya yung ice pack na nakapatong sa kaliwang pisngi niya. Namamaga pa rin kasi dahil sa suntok nung lalaki kanina. Nakita ko na yung guy na yun nung birthday ng kaibigan ni Makino na si Yashiri.
Napatingin sakin si Hiroshi-senpai at ngumiti. “Okay lang ako..salamat dito sa ice pack..”
Napangiti naman ako.
Ice pack..nakakatuwang isipin na dahil sa bagay na yun, nag-umpisa ang lahat.
Dati ako yung ginamot niya..dati ako yung nilalagyan niya ng ice pack sa mukha. Ngayon naman, it’s my turn to take care of him.
He’s still the same. Mabait at palangiti sa ibang tao. Hindi talaga ako naniniwala noon sa mga tsismis na dati siyang mafia member at playboy. Mabait kasi siya sa lahat.
“Bakit ka nga pala nandito? Nasaan sina Maki?” sabi niya. Nakatingin pa rin siya sakin.
“Ah..eh..” bigla akong namula. “Wala si Maki..ako lang mag-isang pumunta dito..”
Kumunot ang noo ni Hiroshi-senpai. “O? Bakit ikaw lang? Bakit hindi ka nagpasama sa kanya o kaya kay Seya?”
“Busy sila eh..” sabi ko.
Oo busy nga..pero hindi sila kundi KAMI. Tumakas lang ako sa practice ng grupo sa studio para mapuntahan si Hiroshi-senpai. Gusto ko kasi siyang makita. Sabihin na nating ang sama ko pero..nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama siya sa ganitong sitwasyon dahil sa nagkasakit lola niya and at the same time..sinuntok siya nung lalaki kanina. Hindi ko naman na hinihiling na mangyari tong mga bagay na to just to be with him..pero I’m glad na kinakausap na niya ko ngayon after a long time..
“Busy ba sila? Hmm..teka tatawagan ko si Maki para—“
“Huwag!”
Nahawakan ko yung braso ni Hirsohi-senpai para pigilan yung pagkuha ng cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya. Nagulat naman siya sa inasal ko.
“Ah..ano kasi…hindi ko pinaalam na pupunta ako dito..” sabi ko.
“Huh? Bakit hindi?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong aminin sa kanya ang lahat. Ayokong sabihin na kaya ako tumakas kina Manager Seya dahil gusto ko siyang makita at makasama ngayon. May girlfriend na kaya siya? Yung kaibigan ba ni Makino na si Yashiri yung girlfriend niya? Kaya ba siya nasuntok dahil sa babaeng yun? Sana naman hindi niya yun girlfriend. Sana.
“Ugh..gusto mo mag-coffee muna tayo sandali? Ibibili kita..saglit lang ha?” Agad akong tumayo para maghanap ng vending machine. Habang naglalakad ako..naalala ko bigla yung highschool days ko.
~Flashback~
“Akemi-chan, hindi ka pa ba sasabay samin?” sabi ng isa sa kasamahan ko sa Art Club na si Tsubaki. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
“Hindi na..hindi pa ko tapos eh. Mauna na ka na..ingat ha?” sabi ko.
“Okay..see you tomorrow!”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.