Legend 90: "Invitation"

983 17 4
                                    

~Hiroshi’s POV~

“Tama na bespren. Pang limang yosi mo na yan..” Kinuha ni Kenji yung yosi na nasa bibig ko.

“Tsss..”

Nasa rooftop kami ngayon ng ospital. Badtrip talaga ako sa prinsipe na yun.

At mas nakakainis pa, wala akong laban sa lalaking yun. This time ba ako na naman ang inferior?

Nung karibal ko pa si Toya, inferior ako sa kanya dahil siya si Ojiro.

Ngayon naman, prinsipe ang kumakalaban sakin. Ano pang say ko?

“Huwag kang mag-alala, dadamayan kita hanggang sa huli. Lahat ng beer house na pupuntahan mo, sasamahan kita promise. Kung piliin man ng syota mo yung prinsipe, huwag ka ng umangal bespren. Wala kang laban dun. Langit yun, medyo langit ka lang.”

“Eh kung ipasalvage kaya kita ngayon?”

“To naman. Biro lang. Pero seryoso, paano nagkakilala yung dalawang yun?”

“Hindi ko alam. Tss..”

“Alam mo, hindi lang si Toya at ang prinsipeng yun magiging karibal mo, bespren. For the first time, sasabihin ko to. Oo, maganda talaga syota mo. Kaya no wonder na habulin yun.”

“Siya lang ba habulin? Ako rin naman kaya..”

“I know. Pero loyal ka na ngayon. Wala ka ng pinapansin na ibang chicks. Tama naman ako di ba?”

“Hell yeah..”

“Hmm kung ako sa’yo pre, itali mo na yang syota mo..”

“Ha?”

“Pakasalan mo na!”

Bigla naman akong namula sa suggestion ni Kenji.

“Ano ba yang sinasabi mo. 18 palang siya..loko loko ka! Huwag mo kong itulad sa'yo..”

“18 is now a legal age to get married..”

Bigla akong napaisip. Saglit palang yung relasyon namin ni Ishi pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Dapat ko bang isipin sa ngayon ang pagpapakasal?

“Ano? Handa ka na bang lumagay sa tahimik?” tanong sakin ni Kenji.

“I am. I want to spend the rest of my life with her. Pero siya ba, handa na? Hindi pa siya tapos sa pag-aaral niya. At the same time, marami pa siyang pangarap sa buhay..”

“Eh di buntisin mo na para wala ng lusot!”

Bigla kong nabatukan si Kenji.

“Gago ka naman Kenji. Anong buntisin siya? Malinis intensyon ko kay Ishi! Sa kanya lang ako nakapagtiis ng ganito..”

“Ano tiniis mo, bespren?”

“Everytime na malapit siya, hindi mo lang alam yung pagtitiis ko, Ken. Lalaki ako..may pangangailangan din..”

“Ah..I know exactly how it feels..”

“Ganyan ka din ba kay Fujiko?”

“Hmm..sakin nalang yun.”

“Wow..pang showbiz ang sagot ah.”

“Think about it, bespren.  Kailangan maunahan mo na yung prinsipe na yun. Ikaw ang boyfriend niya. Do the moves na man!”

“Alin dun? Yung pakasalan siya o yung buntisin siya?”

“AHAHAHA..both pare!”

“Gago.”

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon