Legend 74: "Fight For The One You Love"

1.2K 21 15
                                    

A/N: Hello Soulmaters! Sorry for the super late UD. Naging busy ako talaga eh. Nanood pa kasi ako ng That Winter, The Wind blows. Grabe ang ganda nun, try niyong panoorin hahaha! Ang gwapo pa ni Jo In Sung kyaaaa... Sana namiss niyo sina Hiro my labs at yung iba pa.. :)

May drawing nga pala akong bago. Si Toya, Ishi at Hiro anime version sa gilid. What do you think guys? :D 

***

~Yashiri’s POV~

Hinga ng malalim.

Breath in. Breath out.

Hay…

Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko at nagpapahangin ngayong gabi. Hawak ko yung cellphone na bigay sakin ni Hiro. Kanina ko pa siya tinatawagan. Ring lang ng ring yung phone niya pero hindi niya sinasagot. Naka limang try na ko pero wala pa rin.

Bakit kaya ayaw niyang sagutin? May nangyari kayang masama?

“Hay…sige bukas ko nalang siya kakausapin. Baka naman gusto muna niyang mag-isip dahil sa mga revelation ni Toya. Psh..siguro kasama niya ngayon yung kasamahan ni Makino sa Limelight..grr grabe kakasar yung babaeng yun ah..”

Una kong nakita yung babaeng yun nung birthday ko. Palagi siyang nakatingin kay Hiro nun. Pati kanina sa ospital, iba yung mga tingin niya sa kanya. Babae ako kaya alam kong may pagmamahal siya kay Hiro. Pero paano? Matagal na ba silang magkakilala?

“Hay ayoko na ngang mag-isip!”

Ginulo ko yung buhok ko. Nakakadepress na ha! Ang dami ng nangyayari!

Kumusta na kaya si Ate Fujiko? Medyo matagal na rin kami hindi nakakapag-usap. Himala rin kasi hindi na rin nagpaparamdam si Kenji. Buti pa yung mga yun wala masyadong iniisip.

Naisipan ko ng pumasok na sa loob ng kwarto ko.Pagkapasok ko, agad akong humiga sa kama.

"Love is selfish, Ishi. Ganun nararamdaman ng mga taong nagmamahal ng lubos.."

Bigla kong naalala yung mga sinabi ni Toya sakin kanina. Nakiusap ako sa kanya na maging magkaibigan nalang kami. Ayoko kasing makaramdam ng galit sa kanya. Pero ang sabi niya sakin hindi siya susuko. Naudlot ang pag-uusap namin nang biglang tumawag sa kanya yung Dad niya kaya agad siyang umuwi. Magkita nalang daw kami sa school sa isang araw.

Paano nga kaya kung kaya ng puso na magmahal ng dalawang tao?

Eh di sana..walang nasasaktan ngayon.

For sure nasaktan si Hiroshi kanina nang malaman niya na si Toya si Ojiro.

Hindi ko man ma-imagine kung paano nangyari at kung sino man yung babaeng nagpagising sa natutulog na memories ni Toya pero lahat ng sinabi niya sakin noon ay nangyari nga talaga sa past nina Shouko at Ojiro. Indeed, siya nga si Ojiro. Depende nalang kung kilala niya sina Fujiko, Kenji at Doc Misao na magsasabi sa kanya ng lahat ng alam ni Toya ngayon. Hindi ko naman siya kasama noon sa hypnosis ko kaya paano niya nalaman ang lahat ng yun?

Sino nga kaya yung babaeng yun? Sino yung babaeng nakilala niya sa Kyoto?

Hay..mahalaga pa ba sakin yun?

Ano naman kung siya si Ojiro?

Siya ang nakatadhana para sakin…

Pero..

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon