Legend 48: "Off To Fukui"

1.4K 21 14
                                    

~Yashiri’s POV~

“Yay! Makakasakay ulit ako sa train! Yay!” sabi ko habang patalon talon pa. Malapit na kami sa Japan Railway (JR) Sobu Main Line. Ang unang train station na sasakyan namin papuntang Fukui Prefecture. Apat na train stations kasi ang dapat naming sakyan dahil mas malayo ang Fukui sa Kyoto galing sa Choshi, Chiba.

Madaling araw palang ay umalis na kami nina Hiroshi, Kenji at Ate Fujiko dahil halos pitong oras daw ang biyahe. Whew, okay na rin yun kesa pitong oras mahigit na pagda-drive nina Hiro kung magdadala kami ng sasakyan. Atleast mas mabilis kapag tren.

“O, huwag kang tumalon. Baka madapa ka pa..hold my hand..” sabi ni Hiroshi. Hinawakan ko siya sa kamay. Ang sweet niya talaga lagi. Hehe. Buhat buhat pa niya mga gamit ko. Hihi.

Naghikab si Kenji na halatang inaantok pa habang dala niya ang mga gamit niya. Si Ate Fujiko naman mukhang excited din na umuwi sa bayan nila. As usual, nakadisguise na naman siya. Yung usual na hoody jacket niya at shades na malaki. Buti nga hindi si Hello Kitty gamit niya kung hindi, baka iniwan namin siya sa kung saan at sasabihin namin na hindi namin siya kilala. HAHA.

Nakarating na kami sa platform at parating na rin yung tren. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Siguro dahil gwapo at magaganda kami, o dahil sa weird na si Ate Fujiko. Haha. Nang makasakay na kami, si Hiroshi ang katabi ko, nakapwesto ako malapit sa bintana. Syempre dapat katabi ko boyfriend ko. Haha. Biglang ang sama ng tingin sakin ni Kenji. Nakatayo pa kasi siya samantalang si Fujiko naman ay nakaupo na sa tabi ng bintana. Magkakatapat kami.

“Pst, babae. Alis diyan.” Sabi sakin ni Kenji. Ang sama niya talaga!

“Ha?” Turo ko sa sarili ko. “Ako ba?”

“Tss. Babae nga eh. Alangan namang si Hiro? Umalis ka diyan. Ako diyan.”

“B-Bakit?” tanong ko. “Ayaw ko, dito ako sa tabi ng Hiro my labs ko..” niyakap ko si Hiro.

“Gusto ko katabi si Hiro. Miss ko na si bespren. Alis..” Hinihila ni Kenji kamay ko.

“Huhu, Hiro! Inaaway ako ng bespren mo!” nakakapit ako sa braso ni Hiro habang hinihila naman ako ng Kenji.

Ngumingiti lang si Hiroshi at napailing.

“AHAHAHA..” Tumawa si Ate Fujiko. “Huwag ka nang epal sa kanila, Kenny. Sila dapat ang magkatabi. Ikaw, dito ka sa tabi ko maupo. Huwag ka na mahiya..” Itinuro pa ni Fujiko yung bakanteng upuan sa tabi niya.

“Eh ikaw nga ayaw kong makatabi eh..kaya ako nakikipagpalit..”

“Ang sungit haha. Meron ka ba ngayon?” sabi ni Fujiko. “Huwag ka na nga maarte. Ang dami kong dalang pagkain ngayon. Gusto mo ba?”

“Hmm..pagkain?” Umupo na bigla si Kenji sa tabi ni Fujiko. Pagkain lang pala gusto nito eh.  “Akin na..asan na yung pagkain?”

“Nandito sa bag ko..” Itinuro ni Fujiko yung hawak niyang bag.

“Akin na..bilis..” sabi ni Kenji. Kukuhain na nito yung bag ni Fujiko nang ilayo naman ito palayo ni Fujiko.

“Bumili ka. HAHAHA…” sabi ni Fujiko.

“Tsss..nasaan na nga? Oy hello kitty, ayusin mo buhay mo ha! Hindi ako masyadong nakakain dahil sobrang aga nating umalis kanina!”

“Ble! HAHAHA..”

Nakatingin lang kami ni Hiro habang pilit na kinukuha ni Kenji yung bag kay Fujiko. Tumawa na rin ako kasi ang kulit talaga nila. Buti nalang kasama namin si Kenji, nakahanap siya ng katapat niya.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon