Legend 94: "Shell House"

1K 19 14
                                    

A/N: Sorry kung natagalan. Hehe. May pic pala ng "Shell House" nina Hiro sa multimedia section. :)

***

 

~Yashiri’s POV~

 

“Mag-iingat kayo ha?” sabi ni Mommy sakin at kay Hiro. Five in the morning palang ngayon at aalis na kami ni Hiro papunta sa Villa nila sa Nagano. Si mommy palang yung gising nung dumating si Hiro dito sa bahay. Si Lola kasi ay tulog pa. Si Daddy naman ay mas maaga pang umalis dahil may flight siya.

“Yes, Mommy..” sabi ko. Lumapit naman si Hiro samin na kakatapos lang maglagay ng mga gamit sa likod ng kotse niya.

“Ako pong bahala kay Ishi, Tita Keiko. Huwag po kayong mag-alala” Sabi ni Hiro.

“Sige hijo. May tiwala naman ako sa’yo..”

Napangiti si Hiro. “Aalis na po kami..”

Hinalikan ko ang pisngi ni Mommy. “ Bye, Mom..”

Nagsimula na kaming sumakay sa sasakyan ni Hiro. Nakita ko pa yung pagkaway ni Mommy samin. Kinawayan din namin siya ni Hiro.

“Ready?” sabi ni Hiro sakin matapos kawayan si Mommy.

“Yeah..” sabi ko habang nakangiti. Sobrang excited na ko!

Sinuot ko yung seatbelt at nagsimula nang magmaneho si Hiro. Hinawakan niya yung isa kong kamay at hinalikan ito. Hindi ko pa siya natatanong kung bakit bigla nalang siyang umalis sa cake shop kahapon. Siguro mamaya ko nalang siya tatanungin para hindi naman masira yung magandang mood namin.

“Nakatulog ka ba ng maayos, prinsesa ko?” tanong niya sakin. Muli niyang ibinaling yung atensyon niya sa pagmamaneho.

“Hmm hindi masyado eh..”

Bigla naman siyang napalingon sakin. “Why?”

Napangiti ako. “Eh..excited ako eh. Hehe..”

Bigla siyang napangiti. “Haha..ako rin eh.”

Hinigpitan ni Hiro yung hawak sa kamay ko. Kahit nagmamaneho siya, hindi pa rin niya ko binibitawan.

“Gaano kalaki yung villa niyo, Hiro my labs?”

“Hmm..malaki. Hindi ko lang alam yung eksaktong sukat ng lupain. Pero bibilib ka sa mismong bahay namin dun. Kakaiba yung design..as in ang ganda!”

“Ay talaga? Excited na kong makita yun! Bakit naging unique?”

“That house was called, ‘Shell House’. Mukha kasing shell yung panlabas na itsura nung bahay..”

“Wow..gusto ko ng makita yun!” excited kong sabi.

“You will gonna love that place..”

“Oo naman no.. basta hangga't magkasama tayo, kahit saan pa yan, masayang masaya  ako..sayang nga lang dahil two days lang tayo dun eh..”

“May next time pa naman..”

Nagstop over muna kami sa isang gasolinahan para magpa full tank si Hiro. Since nandun na rin naman kami, kumain na rin kami ng agahan sa isang fast food chain dun. May malapit din na grocery kaya namili na rin kami ng mga kakailanganin namin. Matapos ang isang oras ay bumalik na kami sa sasakyan para ipagpatuloy ang byahe namin.

***

“Sir Hiroshi!” sabi ng isang matandang lalaki na sumalubong samin nang makababa kami sa sasakyan. Siya ang nagbukas ng malaking gate para makapasok kami.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon