~Yoichiro’s POV~
Maaga akong pumasok sa school ngayon para makausap si Yashiri. Sa first subject lang kasi kami magkaklase kaya yun lang yung chance ko para makausap siya. Meron pa kong 15 minutes bago magsimula ang unang klase kaya minabuti kong sa isang bench sa ilalim ng puno nalang ako maghintay habang nagbabasa ako ng libro.
“Excuse me?”
Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isang grupo ng mga babaeng estudyante.
“Ah eh.. kasi..” nagsimulang magsalita yung isang babae.
“Yes?” sabi ko. Halata kasing kinakabahan siya.
“Pwede ba kaming magpapicture sa inyo, Crown Prince?”
“Huh? Ah eh..okay..” Sinara ko yung binabasa kong libro at napatingin ako sa mga bodyguards ko sa di kalayuan. Sinenyasan ko sila na okay lang ang lahat at di na nila kailangan pang puntahan ako.
“T-Thank you, Crown Prince!” Agad naman silang tumabi sakin. Yung iba nasa likod ko at yung iba naman ay pinaggitnaan ako. Isang janitor ang napakiusapan nila para kuhaan kami ng picture.
“Okay..one, two, three..smile!” sabi nung janitor. Nagsimula akong ngumiti.
Wala naman akong magagawa. Nalaman na ng lahat na nakabalik na ko. Mabuti na lang at nahandle agad ng palasyo yung balitang pagtakas ko sa media kahapon, kung hindi pati si Yashiri ay madadamay. Bilang kapalit daw ay magpa-press conference daw ako. Naisip ni Papa (Emperor) at Mama (Empress) na bigyan nalang ako ng welcome party. Kasama daw ang media sa mga pupunta. Matapos kong maihatid si Yashiri kahapon, naisip kong hindi talaga ako tatantanan ng media tungkol sa babaeng kasama ko kahapon kaya naman agad kong pinakiusapan si Yukino. Pero hindi ko makakalimutan yung isang bagay na pinakita niya sakin. Kaya gusto kong makausap si Yashiri.
~Flashback~
“Ako? Ako yung magpapanggap na kasama mo? At bakit ako??” sabi ni Yukino. Sinadya ko pa talaga siya sa library ng palasyo para lang pakiusapan siya.
“Ngayon lang ako makikiusap sa’yo. Dapat hindi madamay si Yashiri dito dahil normal lang siyang mamamayan dito sa Japan. Kunwari dinalaw mo ko sa school or kunwari sinusundo mo ko..mga ganung reasons.”
“Hmm..mahal mo na agad ang babaeng yun kaya kahit naiinis ka sakin ay ako pa yung nilapitan mo?”
“Huh? A-ano bang sinasabi mo diyan..”
“Just answer me..”
“What if Oo?”
Natawa ng mahina si Yukino. Punong puno ng sarcasm yung tawa niya. It really pisses me off.
“She don’t belong to our class..she’s a nobody..” sabi niya.
“Just like my mother?” sabi ko.
“Yes, your mom who used to be a florist..”
“What’s wrong with that? Alam na nina Mama at Papa kung sino ang gusto ko. Hindi sila matapobre. Kaya nga sila ang tumatayong mga magulang ng bansang ito dahil sa maganda nilang ugali. Kaya nga nila ako pinapasok sa Seinan University..para sundan kung nasaan ang puso ko..wala silang pakialam kung mayaman ba o mahirap ang gugustuhin ko..”
“Ang corny. Whatever. Sige, pumapayag na ko. Pero bago ang lahat, may ipapakita ako sa’yo..sumama ka sakin sa basement..”
“Basement?”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.