Soulmates: 300 Years of Love New Characters
Pictures ------>
***
~ Limelight Members- Ang bagong JPOP Group na pinamumunuan ni Makino Ueda, na kapatid naman ni Hiroshi Ueda.
1. Akemi Tsukino - Siya ay Art major sa Tokyo University of the Arts. Bukod tanging walang background sa music industry sa grupo. May mabigat siyang dahilan kung bakit siya sumali sa Limelight, kaya pinag-aralan niya kung paano ang kumanta at sumayaw. Kahit na pagpipinta at sketching ang alam niya, may maganda siyang boses kaya siya pumasa sa grupo.
2. Satomi Hisakawa - Bukod kay Seya, siya ang nagsisilbing composer ng grupo. Siya ay isang Music Composition Major sa Tokyo University of the Arts. Siya ang tinaguriang "Perfect Girl" ng university nila dahil siya'y matalino, magaling sa music, at maganda. Ngunit may isa siyang lihim na iniingatan na ayaw niyang malaman ng ibang tao. At si Seya ang bukod tanging nakadiskubre nito.
3. Maiko Fujimoto - Ang dancer ng grupo. Siya ang magsisilbing teacher ng mga groupmates niya pagdating sa pagsasayaw. May kakayanan din siya sa pagkanta at siya ang matalik na kaibigan ni Akemi sa grupo. Siya ang pinaka masayahin at joker sa grupo. Ang forte niya ay break dancing at ballet. Siya ay Performing Arts major sa Tokyo University of the Arts.
4. Kazumi Yoshida - Pinanganak na may golden voice at ang true musician sa grupo. Siya ang nagsisilbing pianista sa grupo. Major in Piano ang kurso niya sa Tokyo University of the Arts. Siya ang pinakamalambing sa grupo, next to Makino.
5. Seya Fujioka - Ang manager ng grupo at first love ni Makino. Gwapo at sobrang bait, kaya mahal na mahal ni Lola Kyoko (Lola nina Hiroshi at Makino). Nang makita niya si Yashiri ay nais niya itong kuning model para sa isang commercial dahil sa angkin nitong ganda. Mahilig siyang magrecruit ng mga taong nakikita niyang may potential, gaya nang ginawa niya kay Makino nung magkakilala sila sa isang ice cream store.
~ Koizumi Siblings - Sila ang mga kapatid ni Yashiri. Ang pinagkaguluhan ng grupong Limelight nung birthday ni Ishi sa Chiba.
1. Eitaro Koizumi - ang gwapong kuya ni Ishi. Isang Mechanical Engineer apprentice sa airline kung saan nagtatrabaho ang kanilang daddy.
2. Yuuya Koizumi - ang bunsong kapatid nina Eitaro at Ishi. Gaya ng kuya at daddy niya, taglay din niya ang gwapong mukha at sa murang edad niya, marami na ang nagkakandarapa. Mas close siya sa Ate Ishi niya dahil halos magkalapit lang ang edad nila.
~ Aino Siblings
1. Setsuna Aino / Hikari - Ang first love ni Hiroshi. Isang spy at hired killer ng bestfriend ng daddy ni Hiroshi na si Kojima. Noon kasi ay hindi sila mayaman, at nangarap siya na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang kapatid na si Sumire at ang kanyang ina. Kaya pinasok niya ang mundo ng under world. Hindi alam ni Sumire ang kanyang trabaho.
2. Sumire Aino - Ang bunsong kapatid ni Setsuna. Sa murang edad niya'y nabuo ang galit niya para kay Hiroshi Ueda dahil sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ate. Siya ang fiance ni Toya Takahashi. Nang dahil sa paghihiganti ay gagamitin ng pamilya nila ang pamilya ni Toya upang mas lalong lumakas ang kanilang impluwensiya. Ngunit bago pa man masimulan ni Sumire ang kanyang mga plano, nakita na niya si Hiroshi sa Chiba, kung saan madidiskubre niya na si Toya at si Hiroshi ay umiibig sa iisang babae, kay Yashiri Koizumi. Nang dahil dito, mababaling ang atensyon niya kay Yashiri, at ito ang una niyang target upang masaktan si Hiroshi. Siya ay isang Furniture designer major.
Dr. Misao Takano - Ang young looking na hypnotherapist nina Yashiri at Hiroshi. Siya ang tutulong sa dalawa upang makita ang past life nila. May lihim siyang pagnanasa kay Hiroshi.
Ayu Ishikawa - Nakababatang kapatid ni Ayame na siyang katulong nina Yashiri sa Yamamoto Mansion (Ancestral house nina Yashiri sa Chiba). Lola niya si Yura, ang elder ng kanilang pamilya. Nakatira sila sa Rozan-Ji Temple kung saan malapit ang Kyoto Imperial Palace ang dating tinitirhan ng Imperial Family.
Kenji Mizuki - ang hot tempered na bestfriend ni Hiroshi since high school sila. Pareho silang playboy ni Hiroshi, pero ang pinagkaiba nila, choosy sa babae si Kenji. Mas gusto niya ang mga babaeng mahilig sa arts at may sense kausap. For him, bihira na ang babaeng ganun dahil madalas daw ang mga babae ngayon ay panay flirt at lalaki ang pinag-uusapan. Siya ang kapartner ni Hiroshi sa investigation nila tungkol sa Legend of Inubosaki Lighthouse, at siya ang nakatokang maghanap sa painter na si Fujiko Watanabe, na inakala niyang super panget dahil sa pagiging aloof nito sa media. Yun naman pala, isang diyosa ng kagandahan.
Fujiko Watanabe - Ang famous painter na aloof sa media. Never siyang nagpakita sa media. Wala ni isang picture or interview tungkol sa kanya dahil sa isang mabigat na rason. Ang madalas niyang ipinta ay ang tungkol sa alamat ng Inubosaki Lighthouse. Siya ang missing link para malaman nina Yashiri at Hiroshi ang katotohanan. Ngunit, lahat ay hindi niya pa inilalabas, dahil maaaring mapahamak ang buhay nina Ishi at Hiro, pati na rin ang Imperial Family (Royal Family).
~ Tokugawa Era
17th century
1. Empress Shouko - ang past self ni Yashiri Koizumi. Siya ang babae sa legend na hindi matahimik at nagpaparamdam kay Yashiri. Taglay nila ni Ishi ang iisang mukha. Galing siya sa isang mayamang pamilya dahil anak siya ng isang Daimyo (Katumbas nito ang Governor sa kasalukuyan). Siya ang lubusang iibig sa samurai niyang si Ojiro.
2. Ojiro Fujisaki - Ang samurai na makikilala ni Shouko sa ilalim ng cherry blossom tree sa tuktok ng burol malapit sa dagat ng Choshi, Chiba. Dahil sa pagkakaligtas niya sa buhay ng ama ni Shouko, magiging ganap na tagapagbantay siya ni Lady Shouko. At sa pagdaan ng bawat araw, ay lalo siyang iibig sa kanyang pinagsisilbihang dalaga. Noong una palang niya makita si Shouko, ito na ang nagsilbing inspirasyon niya para mabuhay sa mundo dahil wala na siyang kamag-anak, at sa tingin niya noon ay wala nang silbi ang buhay niya. Taglay nila ni Hiroshi ang iisang mukha, ngunit misteryo para kina Fujiko ang hindi pagkakaroon ni Hiroshi ng alaala ni Ojiro. Kaya naman sasabihin nilang magkamukha lang sila at hindi siya ang reincarnated Ojiro.
3. Saori Miyazaki - Ang matalik na kaibigan at tagasilbi ni Shouko simula palang noong mga bata sila. Siya ang sinasabing ancestor ni Fujiko na siyang nagpasa pasa sa kanilang angkan ng tungkol sa pag-iibigan nina Shouko at Ojiro. Siya rin ang nagsilbing tagahatid ng sulat nina Shouko at Ojiro sa isa't isa nung nagpakasal na si Shouko sa Emperor.
A/N: Marami pang mga susunod na bagong characters kaya abangan hahaha :)
**
~atserkeiram
All Rights Reserved 2013
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
Lãng mạnThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.