~Yashiri’s POV~
“Yun lang ba talaga dahilan?” sabi ni Kenji.
Nakipagtitigan si Fujiko kay Kenji.
“Yun lang.” Sabi ni Fujiko.
Baka naman paranoid lang ako? Baka kaya tinawag niya kong lola kanina kasi kaibigan ni Empress Shouko si Saori na siyang lola niya. Imposible namang maging lola niya si Shouko unless...
Unless nalang kung nagkaanak sina Shouko at Ojiro. Or miyembro ng Royal Family si Fujiko.
“Okay. Yun lang naman mga itatanong ko sa’yo. Ang hirap mo pang hagilapin..” Sabi ni Kenji habang kinuha na niya yung cellphone niya sa lamesa.
“Uhm, para saan nga ulit tong interview na to? Haha..” Nagkakamot ng ulo si Fujiko.
“Ngayon ka lang nagtanong kung kailan tapos na yung interview!” Sigaw ni Kenji.
“Hoy, huwag mo kong sigawan!” Sabi ni Fujiko.
“Yung interview..” sabi ni Hiroshi. “Ay para sa project namin, Fujiko-san.”
“Project? School project?” nakakunot noong tanong ni Fujiko.
HAHAHA. Natawa ako sa sagot ni Fujiko-san!
“School project ka diyan! Para sa trabaho to, adik. Palibasa kasi hindi mo binasa yung letter of request ko..” Sabi ni Kenji.
“Hoy, Kenny! Nakakailan ka na ha! Sabihan daw ba kong adik? Feeling close ka rin no?” sabi ni Fujiko.
“Kenny? What did you just call me?”
“Kenny. HAHA.. parang Kenny Rogers BWAHAHHAA..”
“Pigilan mo ko, Hiroshi. Naku talaga!” Sabi ni Kenji.
“O, awat na.” sabi ko. Ang kulit nilang dalawa. For sure magiging cute couple sila balang araw hahaha.
“Para sa newspaper company namin tong project, Fujiko-san. Nanganganib na kasing magsara yung company na yun na ipinatayo pa ng lolo ko kaya kami nalang ni Kenji ang pag-asa ng lahat.” Sabi ni Hiro.
“Wow, you own a newspaper company?” sabi ni Fujiko.
“Uh, my Dad owns it. I just work for him.”
“Teka, Ueda Publishing yun di ba? Oo nga pala mayaman kayo haha. Pero bakit kayo nalang ang pag-asa para hindi maipasara yun?”
Sinabi ni Hiroshi ang dahilan kung para saan ang mga ginagawa namin.
“Ah, now I know. At si Yashiri ang naging link mo sa legend para sa project niyo. Kaya ba kayo nagkadevelopan? Ayiee..”
Namula naman ako sa pang-aasar ni Fujiko. Hehe. Sa lighthouse na yun nag-umpisa ang lahat. Nag-umpisa ang love story namin ni Hiro my labs. <3
“Pero Fujiko-san, bakit ka nga pala nandito sa cheap na hotel na to?” sabi ko.
“Temporary lang. Pupuntahan ko kasi sana yung lighthouse saka Otaki Castle. Saka kailangan ko puntahan yung pinakalumang library dito.”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.