~Hiroshi's POV~
"Sh*t...sh*t.." naririnig kong sabi ni Toya habang nasa kabilang dulo siya ng upuan. Nandito kami ngayon sa ospital di kalayuan sa lumang subway sa Tokyo. Nakita ko siyang umiiyak.
Huminga ako ng malalim sabay tingin sa pinto ng operating room na nasa harap namin ni Toya.
Hindi ko inaasahang mangyayari 'to kay Sumire. Bakit kailangan niyang sapitin yung nangyari sa ate niya? Ngayon ko naintindihan kung gaano ako kamahal ni Setsuna noon. Hanggang sa huling sandali ng buhay niya, ibinigay niya sakin. Ganun din si Sumire kay Toya. Napatunayan kong mahal na mahal niya si Toya.
"Bakit nga ba nasa huli ang pagsisisi?" narinig kong bulong ni Toya. Napalingon akong muli sa kanya.
"Toya.." sabi ko.
"Sh*t lang..bakit kailangan niyang iharang sarili niya sakin? Dapat ako nalang yung tinamaan nung bala!"
"Get a hold of yourself, Toya. Magiging successful ang operation.." sabi ko.
Napatingin naman siya sakin. Magang maga yung mga mata niya dahil sa kakaiyak. Panay dugo din yung suot niyang T-Shirt. Bigla kong naalala yung mga naganap kanina.
~Flashback~
Matapos kong iligtas si Sumire mula sa pagbaril ni Soichiro Aino, agad akong dumiretso kay Ishi. Takot na takot siya sa mga nangyayari sa paligid. Mabuti nalang at hindi siya natatamaan ng mga balang ligaw.
"Ishi..I'm here.." sabi ko nang tanggalin ko yung panyo sa bibig niya.
"H-Hiro..n-natatakot a-ako.." sabi niya habang nanginginig. Pinunasan ko yung luha niya gamit ang kamay ko. Agad kong tinanggal yung tali sa magkabila niyang kamay at paa. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sorry princess..sorry.." sabi ko habang yakap ko siya ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko yung takot niya.
"Let's get out of here.." sabi ko nang bumitaw ako sa kanya.
Tumango naman siya.
Isang mabilis na halik ang ibinigay ko sa kanya bago ko siya binuhat. Hinang hina si Ishi dahil ilang oras din siyang nakatali dun. Nang mabuhat ko siya'y bigla nalang siya nahimatay.
"I-Ishi??" sabi ko. "Damn it.."
Pinakiramdaman ko ang paghinga niya. Humihinga pa naman siya. At marahil ng dahil sa sobrang pagod at gutom kaya nahimatay ang prinsesa ko.
Isang pulis ang lumapit samin para alalayan kami.
"Mr. Ueda..this way po.." sabi nito samin.
"Salamat, Sir.." sabi ko.
Nang makalabas kami ay may tao mula sa ambulansya ang tumulong samin. Inihiga ko agad si Ishi sa loob ng ambulansya nang biglang may narinig akong sigaw mula sa loob ng subway.
"SUMIREEEEEEE!!!"
Napalingon ako sa lumang subway at agad akong nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril.
"Miss, ikaw na muna bahala sa kanya.." sabi ko sa isang nurse.
"Pero sir, gagamutin ko po muna yung sugat niyo sa ulo.."
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.