A/N: What a revelation by Lola Yura. TSK TSK. Marami pang magaganap. Pero sa ngayon, chill muna tayo sa drama, action at mystery. It's time for kilig vibes na ulit hehe.
***
~Fujiko’s POV~
Malapit na yung susunod na exhibit ko kaya kailangan kong mag gala sa mga art gallery sa palid ng Shibuya. Soulmates pa rin ba concept ko this time?
Napangiti ako. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung wallpaper nito. Yung photo nina Yashiri at Hiroshi, dressed just like Ojiro and Shouko ang wallpaper ko. Aww..they look good together.
Nah, kailangan baguhin ko na yung concept ko. I finally found those two. Uh, I mean, si Empress Shouko. With Hiroshi, I’m not yet sure. Pero deep within my heart, ramdam ko na siya si Lolo Ojiro. Maybe someday, maaalala na niya lahat. I just hope na siya nga talaga si Ojiro.
May malapit na art gallery sa Yoyogi Park kaya dun ako papunta ngayon. Well, pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. What’s new? Weird talaga ako. I don’t really care haha. I have my reasons why I’m doing this.
Nang makarating ako sa Art gallery, may napansin akong lalaki na kanina pa sumusunod sakin. Hmmm..may stalker ako?
Bigla akong nagtago sa isang malaking painting at tinignan yung lalaking sumusunod sakin.
“Hmmm..bakit niya kaya ako sinusundan??” pabulong kong sabi.
Nakita ko siya na parang may hinahanap. Hinahanap niya ko. Natatawa akong mag-isa. Hindi bagay sa kanya yung buntot ng buntot sa babae na parang aso. Nagpasya na kong magpakita.
Mula sa likuran niya ay kinalabit ko siya. Humarap naman ito.
“Looking for me, Kenny?” sabi ko.
Halatang nagulat si Kenji. “Ha?”
Nginitian ko siya. “Anong meron bakit kanina mo pa ko sinusundan?”
“Ulol! Anong sinusundan?? H-Hindi ah!”
Ayan na naman siya. Obvious naman siya. He’s blushing. Kahit na anong defense mechanism pa gawin niya, mahahalata ko pa rin siya. Ganun kabilis basahin si Kenji.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh really?? Hindi mo ko sinusundan??”
“Hindi nga!”
Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. “Yung totoo??”
Napalunok si Kenji. “H-Hindi…”
Lalo ko pang nilapit yung mukha ko. Onti nalang, mahahalikan ko na siya. Kahit nahihirapan na ko kasi nakatingkayad na ko sa kanya dahil matangkad si Kenji. “Promise? Hindi talaga?”
Umiwas siya ng tingin sakin. Bigla niya kong tinulak. “Oo na..pesteng to..”
“HAHAHHA..umamin din!”
“Psh..”
“HAHAHA..” tawa pa rin ako ng tawa. Hawak ko na nga tiyan ko kakatawa.
“Tumahimik ka na nga! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!” sabi ni Kenji. Namumula pa rin mukha niya.
“HAHAHAHHA…You’re blushing, Kenny!” Tinuro ko pa yung mukha niya.
“Psh.. tumahimik ka na oy!”
“WAHAHAHA—“ Napatahimik ako dahil bigla niyang tinakpan yung bibig ko ng isa niyang kamay at dahan dahan akong hinihila palabas sa art gallery.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.