~Hiroshi’s POV~
Hinubad ko ang mga damit ko maliban sa boxers ko. Of course, nakakahiya naman kay Yashiri. Isinampay ko ito sa towel rack at lumusong na ko sa hotspring. Kanina pa kasi talaga ako giniginaw.
“Hay…ang init…ang sarap…” Nasa sulok ako ng hotspring. Man made lang ang hotspring na to. Hindi katulad nung sa mga authentic na nasa ibang parte ng Japan.
Napatingin ako sa tela na kulay blue na nagsisilbing harang namin ni Yashiri. Nakita ko ang anino niya na papalapit na dito. Kumabog ang dibdib ko. Para akong tanga kanina. Bakit ko ba nasabing sabay nalang kami? Ang bobo ko lang! Siyempre baka iba inisip niya!
Ang sakin lang naman, ayoko magkasakit kami. Kailangan namin mainitan. Pero di ba may shower room naman? Pero iba pa rin yung init ng hotspring. Shet, gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina. Wrong move, Hiroshi! Wrong move!
Dahan dahan binuksan ni Yashiri yung tela at nakayukong pumasok. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakatapis lang siya ng tuwalya at pulang pula. Kanina nakaponytail siya, ngayon naman nakalugay na yung basa at mahaba niyang buhok. Kitang kita ko yung maputi niyang balat. She really is beautiful.
“A-ano..pwede ka bang tumalikod?” Bulong ni Yashiri.
Parang wala akong narinig. Para akong naestatwa sa nakikita ko. Parang Diyosa kasi yung nasa harapan ko..
“E-ehem.. Hiroshi?”
“Huh? Ah o-okay..” Tumalikod ako. Narinig ko yung splash ng tubig sa hotspring.
“Huwag ka nang lilingon ha.. diyan ka nalang…” sabi ni Yashiri.
“Okay…”
Tahimik lang kaming nagpapainit sa hotspring. Ang awkward ng feeling. Pakiramdam ko nagfreeze nalang ako sa pwesto ko. Nasa magkabilang dulo kasi kami ng hotspring.
“Yashiri…” sabi ko. Hindi ako makatiis na hindi kami mag-usap.
“H-ha? Bakit?”
“Salamat…”
“Salamat saan?”
“Na tinutulungan mo ko sa project ko. Na sinamahan mo ko sa Kyoto..”
“Ah..wala yun.. hindi ko nga rin alam kung napabuti ba o napasama yung pagtulong ko sa’yo eh..”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bigla akong napalingon.
“Anong ibig mong sabihin..?”
Hindi niya napansin na napalingon ako kasi nakayuko siya at tinititigan yung tubig. Nakalubog siya sa tubig at hanggang sa may dibdib niya yung water level. Kita tuloy yung cleavage niya. Nakasuot pa rin naman yung towel sa kanya. Pero ang ganda niya talaga.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.