Legend 93: "The Handkerchief"

962 18 4
                                    

A/N: Sorry po at per week nalang ako nakakapag update. Super busy ang lola niyo hehe. Sorry din sa mga typos. :)

***

 

~Ayu’s POV~

 

Rozan-ji Temple, Kyoto

 

“Kailangan kong puntahan si Ate, Lola. Sana naman maintindihan niyo..” sabi ko sa lola Yura ko. Seryoso pa rin siyang nagdadasal. Bigla niyang ibinaba yung hawak niyang insenso at humarap sakin. Kahit bulag siya, malakas naman ang pakiramdam ni Lola. Alam niyang nasa likuran lang niya ako.

“Ayu..ayokong madamay ka.” Malungkot na sabi ni Lola Yura.

“Ayokong mapahamak si Ate!” naiiyak kong sabi.

“Kung hahayaan mo lang siya, hindi siya mapapahamak..nakatadhana na ang lahat..huwag ka ng makialam pa!”

“Pero lola..kapag hindi nagtagumpay si Ate..pwede siyang—“

“Hindi mo siya pupuntahan, Ayu! Mananatili ka dito. Tigilan mo na yang pangamba mo. Lalo lang magiging magulo ang lahat kapag nangialam ka pa..” biglang tumaas yung boses ni Lola.

“Hindi ba kayo natatakot sa mga pwedeng mangyari???”

Bigla siyang tumalikod ulit. Nais na niyang ituloy ang pagdadasal niya. Matapos ang ilang sandali ay nagsalita siyang muli.

“Mas matakot ka sa kanya, Ayu. Walang makakapigil sa kanya..hindi siya nagtagumpay noon..kaya hindi siya matahimik..hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha yung gusto niya. Kapag humadlang tayo, lalong gugulo ang lahat..malaki ang posibilidad na may magsakripisyo ng buhay..” bakas ang takot sa mukha ni Lola.

Kumunot yung noo ko. Laging sinasabi ni Lola yan nitong mga nakaraang araw. Sino ba tong kinatatakutan ng lola ko?

Pero mas dapat akong mangialam ngayon. Hindi ko dapat hayaan na mapahamak si Ate Ayame. Kailangan ko siyang tulungan. Kailangan ko siyang puntahan kahit pa humahadlang si Lola.

***

~Hiroshi’s POV~

 

“Here..take this..”

 “Salamat..” Matapos kong gamitin yung panyo ay iniabot ko na ulit sa kanya. Binabalik ko na dun sa babaeng nagbigay sakin.

"Hindi, sa'yo nalang yan.." sabi nung babae.

"Ugh..okay. Thanks.." Walang sabi sabing nilagay ko na sa bulsa ko yung panyo. Ni hindi ko na nga ito tinignan pa.

“Don’t mention it..” Ngumiti ito sakin. Magandang babae siya. Maamo ang mukha. Nakasuot ito ang itim na hat.

“Bakit ka pala umiiyak sa harap ng puntod ng isang Empress?” sabi nung babae.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon