Legend 96: "Ayu's Confession"

1K 19 10
                                    

A/N: Sorry sa mga typos at grammatical errors. Bukas ko nalang edit. Sleepy na ko eh ahhaha. May picture palang ni Ayu sa media section. Enjoy reading! :)

***

 

~Yashiri’s POV~

 

 

Amoy pancake…

Ang sarap.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko si Hiro, nakaupo sa gilid ng kama namin at nakatitig sakin. Ngumiti siyang bigla.

“Good morning, princess..”

Napangiti ako. “Morning..”

Hinalikan niya ko sa noo. “You must be hungry. Breakfast is now ready..”

“Yun pala yung naaamoy kong mabango. Hmmm..help me get up.” Inilahad ko yung mga kamay ko kay Hiro. Pero imbes na kunin niya yung mga kamay ko, pinangko nalang niya ko.

Ano ba naman yan! Ang aga aga, kinikilig ako!

Dinala ako ni Hiro sa may dining area at dahan dahan niya kong iniupo sa upuan.

“Thank you, Hiro my labs..”

Kinindatan naman niya ko. Ang gwapo niya grabe!

Inilapag ni Hiro yung plato sa harap ko kasabay ang baso ng mainit na kape. Nagluto siya ng pancake at ang cute ng pagkakagawa niya, heart shape pa talaga.

“Eat well, princess..”

Ngumiti ako. Umupo naman si Hiro sa harapan ko at uminom ng kape. Sinimulan ko ng kainin yung pancake na gawa ni Hiro.

“Hmm..this is the most delicious pancake I have ever tasted!” sabi ko.

“Bolera..” Natatawang sabi ni Hiro.

“Seriously! Ang sarap!”

“Mas masarap ako diyan, princess..”

I blushed and looked down. Ayan na naman kasi si Hiro, seducing me again! Haaay..

Masaya naman kami habang kumakain ng agahan ni Hiro. Para kasi kaming bagong kasal. Haha. Sa kalagitnaan ng pagkain namin, biglang tumunog yung cellphone ni Hiro.

“Who’s calling?” tanong ko.

“Si Maki.. mahina signal dito. Lalabas muna ako, princess..”

“Go ahead..baka importante..”

Naiwan ako sa lamesa at pinagpatuloy yung pagkain. Maya maya ay bumalik na si Hiro.

“Ishi, are you almost done eating?”

“Yeah, why?”

“We better fix ourselves. We’re leaving in a bit..”

“Ha? Bakit? Hindi mo pa nga ubos pancake mo eh..”

“Nagising na si Lola Kyoko…I’m really glad, Ishi!”

“R-Really??? Oh my God! Talagang dapat na tayong umalis!” excited kong sabi. Nilapitan ako ni Hiro at niyakap ng mahigpit.

“She’s safe now…I’m so happy, princess..”

Matapos naming ayusin yung pinagkainan namin ay naligo kami agad ni Hiro at inayos yung mga gamit namin. Dumating naman si Lolo Masahiro nung bago kami umalis. Nagbilin lang si Hiro at nagpasalamat na rin kami. Sumakay na kami sa sasakyan.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon