A/N: Ano naguluhan na kayo? Haha.. yan talaga plano ko, ang mag-isip kayo sa sitwasyon ni Hiroshi ngayon hahaha.. ang mean ko. Pero promise, magugulat talaga kayo hahaha.. Ano bang hula niyo? Bakit walang makita si Hiroshi about kay Ojiro? Hmmm..dali sagot kayo ha. Haha. It's 1:10 am, grabe sa sobrang dedication ko sa novel na to inabot ako ng ganitong oras kahit may work pa ko mamaya. Hala hehe. Salamat nga pala sa mga nagbasa at nacomment sa commercial break ko haha. Huwag kayong mahiyang magcomment ha? Vote vote din pag may time :) Solomot! Haha ^^v
Media: Isa pang larawan ni Fujiko sa gilid. :D
***
~Sumire's POV~
Naglalakad ako sa napakahaba at malawak na daan, hanggang sa wakas ay nakarating na ako sa lugar na mahigit tatlong buwan ko nang hindi napupuntahan.
"Hi Ate Setsuna." Ipinatong ko sa lapida ang mga pulang rosas. Paborito kasi ng ate ko ang pulang rosas.
"Kumusta ka na, ate? Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw ulit." Umupo ako sa damuhan at sinimulang linisin yung lapida niya.
"Ilang taon na rin ate, sa wakas, nakita ko na yung lalaking pumatay sa'yo. Huwag kang mag-alala..gagawin ko lahat para masira buhay niya. Lalo na ngayon na nakita ko ang bago niyang kahinaan."
Habang pinupunasan ko ang puntod niya, napatingin ako sa daliri kong suot ang singsing na isinuot ni Toya. Napangiti ako.
"Saka ate, bago pala ang lahat, engaged na pala ako. Ang gwapo ng fiancé ko." Bigla kong naalala ang gwapong mukha ni Toya Takahashi. Ang lalaking pakakasalan ko nang dahil sa paghihiganti. Ang instrumento ng aming pamilya.
Instrumento nga lang ba ang tingin ko kay Toya?
"Ate, bakit ganito nararamdaman ko? Nawala panandalian ang pagnanais kong maghiganti kay Hiroshi nang makasama ko sa iisang bahay ang fiancé ko. Noong una, instrumento lang ang tingin ko sa kanya. Pero simula nung ipagtanggol niya ko mula kay Hiroshi, nagbago ang lahat."
Nakatitig lang ako sa lapida ng ate ko na parang naghihintay ng sagot. Huminga ako ng malalim. Lalo akong naguluhan sa nararamdaman ko nung makita ko si Toya three days ago..
~Flashback~
"Ikaw na ba yan, Toya?" sabi ko habang pababa ako ng hagdan. Madaling araw na. Nakapatay ang ilaw sa living room, maliban sa maliit na liwanag na hatid ng lampshade. Isang bulto ng lalaki ang nakita kong nakaupo sa upuan at nakaharap sa glass window.
Bumaba ako at unti-unting lumapit sa lalaki.
"Toya?"
Walang sagot. Napansin ko ang nagkalat na bote ng alak sa sahig. Umiinom si Toya? Pero bakit?
Nakalapit na ko sa kanya at nakita ko ang mukha niya. Bakas pa rin ang mga galos dahil sa mga suntok ni Hiroshi Ueda. Napadako ang tingin ko sa mga mata ni Toya, umiiyak siya.
Hinawakan ko siya sa balikat. "Toya, what's wrong?"
Nag-aalala ako sa kanya. Kaninang umaga bigla nalang siyang umalis nang walang paalam. Saan kaya siya nagpunta?
"Sumire.." sabi ni Toya. Nakatulala pa rin siya at hawak sa isang kamay ang baso na halos wala nang laman.
"Hmm?" Lumuhod ako sa harap niya at inilagay ang mga kamay ko sa kandungan niya. "May problema ka ba?"
"Naranasan mo na bang magmahal ng sobra?"
Kumunot ang noo ko. Wala sa vocabulary ko ang salitang pagmamahal. Galit lang ang nasa puso ko, Toya. Pero nang makilala kita...nagbago lahat. Sa halip na sabihin yun ay hindi nalang ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.