~Yashiri’s POV~
“Yashiri…gumising ka…”
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Bakit nasa ganitong klaseng lugar ako? Kadiliman lang nakikita ko.
Ugh. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Bakit ganito nararamdaman ko? Parang may nakapatong na mabigat na bagay sa ulo ko. Hindi ko maintindihan.
“Yashiri…pakiusap, gumising ka…”
Naririnig ko ang boses ni Empress Shouko na kanina pa ko tinatawag. Hindi ko siya makita dahil madilim ang paligid. Maya maya'y unti-unti nang lumiwanag ang madilim na lugar. Nakita ko siyang papalapit sakin. Malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Nakalugay ang napakahaba niyang buhok.
“E-Empress..Shouko..”
“Yashiri, kailangan mong gumising..kailangan ka niya..”
“S-Sino?”
“Imulat mo mga mata mo..pakiusap..”
“P-Pero nakadilat naman mga mata ko at nakikita kita…”
Lalo siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Sa pagkakayakap niya sakin, nakaramdam ako ng init na siyang dahilan para mapapikit ako.
“Pakiusap..gumising ka..”
Habang nakapikit ako, may naririnig akong kakaiba. Parang tunog ng isang bagay na hinahampas. Sa muli kong pagmulat, nakita kong hindi pala bagay ang hinahampas, kundi si Hiroshi! Hinahampas siya ng mga lalaking may hawak na dos por dos! Kinilabutan ako sa nakikita kong tumutulong dugo sa kanyang ulo.
“Hiro!!!! Hiroshi!!!!!” sigaw ko. Biglang tumulo yung luha ko dahil sa mga nakikita ko. Umangat ng tingin si Hiro at nagtagpo ang mga mata namin.
“I-Ishi..”
Oh my God!
Papatayin na nila si Hiro!
“Ugh..” Nakita kong may humampas sa kanang braso ni Hiro na siyang lalong nagpatumba sa kanya sa sahig.
“Tama na please! Mapapatay niyo na siya!!!” sigaw ko habang nagpupumiglas ako. Hindi ako makagalaw ng ayos dahil nakatali ang magkabilang kamay at paa ko. Kaya pala ako ginigising ni Empress Shouko sa panaginip ko dahil may nangyayaring hindi maganda sa paligid ko.
“Ugh..I-Ishi..pr-prinsesa ko..” narinig kong sabi ni Hiro na siya namang hinang hina na. Kawawa naman siya! Hindi ko na kinakaya mga nakikita ko! Tama na! Utang na loob!
“Ang ingay! Takpan niyo nga bibig ng babaeng yan..” sabi nung lalaki naaalala kong kumuha sakin mula sa gate ng bahay namin. Pinagtanggol naman niya ko kanina dahil ang isa sa mga kasamahan niya ay balak akong pagsamantalahan, pero pinigilan niya ito. Kaya naging ganito yung damit ko, nanlaban kasi ako sa manyak na yun! Hanggang sa paamuyin na naman niya ko ng pampatulog kanina.
May isang lalaki na lumapit sakin. Laking gulat ko ng salpakan niya ko ng panyo sa bibig ko. Buong panyo talaga ang inilagay sa bibig ko!
Diyos ko, ano na mangyayari samin?
Empress Shouko, please! Protect us!
***
~Hiroshi’s POV~
Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa isang park sa Osaka. Sunday ngayon kaya naman wala akong pasok sa restaurant na pinapasukan ko. Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Napakaganda niyang talaga.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.