Legend 99: "Sword Fight with a Demon"

1.2K 16 12
                                    

~Fujiko’s POV~

 

 

 

“Aray naman!” sigaw ko kay Kenji. Bigla kasi siyang huminto sa mabilis niyang pagmamaneho. Sa lakas ng impact, napasubsob tuloy ako. Ang sakit pa naman sa dibdib nun dahil nakasuot ako ng seatbelt! Walanghiyang Kenji ‘to!

Napalingon ako agad sa may back seat at tinignan agad ang mahalagang bagay na nakapatong sa upuan.

“Muntik na tuloy mahulog yung espada! Ano ka ba naman, Kenny??” sigaw ko sa kanya.

“Sorry naman. Sabi mo kasi magmadali ako eh..nandito na tayo…”

“Tss…” Napatingin ako sa paligid. Inabot na kami ng gabi bago makarating sa Kyoto. Hinubad ko yung seatbelt ko at kinuha ko sa back seat yung espada ni Ojiro na nakabalot sa isang makapal na itim na tela. Hinawakan ko ito ng mahigpit.

“Bakit ba kasi pinadala pa yan ng Lolo mo?” tanong ni Kenji habang tinatanggal niya yung seatbelt niya.

“Hindi ko rin alam pero ang sabi niya habang nag-aayos daw tayo ng gamit natin pabalik dito sa Tokyo, may nagpakita daw sa kanya sa loob ng templo..”

“Ha? Sino?”

“Si..Lolo Ojiro..”

“Bakit? Buti pa siya nakikita niya yung si Ojiro samantalang si Hiro, hindi kahit minsan..”

“Hindi ko nga rin alam kung bakit. Bago tayo umalis ay kinausap na muna niya ko…”

 

 

~Flashback~

 

 

 

 

“Auntie Mei, aalis na kami. Nasaan si Lolo?”

 

“Pumunta ata siya sa templo. Subukan mong tignan, Fujiko..”

 

“Sige po.” Napatingin ako kay Kenji na nasa likod ko lang. Dala niya yung mga bag namin. “Sandali lang, magpapaalam lang ako kay Lolo..”

 

Tumango naman si Kenji. Biglang lumapit sa kanya sina Akane at Emiri. Mukhang makikipaglaro muna siya sa mga bata bago kami umalis.

 

Agad akong naglakad papunta sa templo. Malayo pa lang ako ay nakikita ko ng bukas yung malaking pintuan. Nang lapitan ko ang pinto, tama nga si Auntie Mei. Nasa loob si Lolo at sa isang kamay niya ay hawak niya yung espada ni Lolo Ojiro, sa kabilang kamay naman ay hawak niya yung tungkod niyang mahaba.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon