Legend 66: "Major Shock!"

1.3K 22 26
                                    

A/N: Picture ni Yoichiro Okuda sa gilid. Hmmm.. sino kaya siya sa buhay ni Yashiri? XD

***

~Sumire’s POV~

“May pilay ka sa kaliwang paa, Aino-san.. pero yung ibang parts naman ng katawan mo, okay naman..kailangan mo lang ng pahinga..” sabi nung doctor sakin. Kasalukuyan kaming nasa ospital ni Yashiri. Ako yung nakahiga sa hospital bed dahil sa pesteng pilay na to. Nagamot naman na si Yashiri. Galos, sugat sa tuhod at pasa lang naman nakuha niya.

“Thank you po doc..” sabi ni Yashiri. Lumabas na yung doctor sa room namin at naiwan kami ni Yashiri sa kwarto.

“Buti naman walang nangyaring masama sa’yo..” sabi ko.

Nilapitan ako ni Yashiri at umupo sa gilid ko. Hinawakan niya yung kanang kamay ko.

“You don’t have to save my life, Sumire-chan..” Naiiyak nitong sabi.

Kung may pagkakataon lang ako ngayon, nakalmot ko na sana mukha mo, Yashiri! Gago naman kasi Akito. Si Akito ay isa sa mga tauhan ni Daddy. Ang sabi ko, huwag ako masyadong puruhan. Napilayan pa tuloy ako. Kainis. Patay sakin yun mamaya!

“Ano ka ba..kahit sino yung nasa position ko, gagawin din yun..” Sabi ko. Best actress ko lang talaga.

Yumuko at tuluyan nang umiyak si Yashiri. “I’m sorry… I’m really sorry..”

Hinagod ko yung buhok niya. “I’ts not your fault..”

Itinaas niyang myli ang ulo niya at tumingin sa mga mata ko. Grabe, iyak talaga siya ng iyak. “Tell me, ano bang dapat kong gawin para mabayaran yung pagkakaligtas mo sa buhay ko?” sabi ni Yashiri.

Stay out of Toya’s life and kill Hiroshi for me.

Yan ang mga katagang gusto kong sabihin sa kanya. But everything is planned, kaya dapat gamitin kong mabuti ang acting skills ko para kapani-paniwalang kaibigan ang turing ko sa kanya.

“Wala naman..magkaibigan tayo at ang pagtulong ko sa’yo ay hindi kinakailangan ng kapalit..”

“Sumire-chan..”

“Hindi ko rin alam kung paano ka pasasalamatan sa pagcocomfort sakin nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkawala ni Toya..”

Bigla akong niyakap ni Yashiri. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Such a cry baby.

Hindi ka naman sana kasali sa paghihiganti ko, Yashiri. Si Hiroshi Ueda lang ang kailangan ko. Pero dahil sa ikaw ang minamahal niya ngayon, pati ni Toya..ikaw ang kailangan munang mawala sa mundo..ngunit bago ang lahat, kailangan ko munang makuha ang loob mo..

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon