A/N: Picture of Ishi, Toya and Hiroshi. RIVALS lang ang peg haha :) Sino kaya ang magwawagi sa puso ni Yashiri? HAHAHA..
******
“Miss Yashirii!” Nakita ko si Ayame, kumakaway sa direksyon namin ni Hiroshi. Kasama niya si Toya. Nakalimutan ko na kasama ko pala siya kanina. Nauna na pala siyang umuwi, siguro nainip na siya. Pero tanda ko kanina hinahanap niya ko.
“Ishi, where have you been? Kanina pa kaya kita hinahanap..” Agad na lumapit sakin si Toya. Halata sa mukha niya na nag-alala talaga siya. Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Hiroshi..
“Let her rest muna, pare..” Hinawakan niya braso ko. Parang hinihila na nga niya ko papasok sa bahay.
“Sino ka ba ha? Anong ginawa mo sa kanya!” Nagulat ako sa nakita kong reaksyon ni Toya. Bigla niya kasing tinulak si Hiroshi. Napatumba tuloy si Hiroshi sa sahig. Pero kahit anong gulat ko, hindi pa rin ako makareact. Sobrang pagod na pagod ako na ewan.
“Sir Toya, huwag na po kayo mag-away. Bisita ho siya ni Miss Yumi, si Sir Hiroshi..” Lumapit si Ayame para pigilan si Toya.
Tumayo si Hiroshi at pinagpag yung nadumihang damit niya. “Pare, just stay calm.. hahatid ko na muna siya sa room niya..” muli akong hinawakan ni Hiroshi, pero this time sa kamay ko naman.
“Ako ang maghahatid sa kanya, bestfriend niya ko..! ” Inagaw bigla ni Toya kamay ko.
Teka, anong teleserye ba to? Bakit ako pinag-aagawan ng mga ‘to? Kung hindi lang ako sabog at pagod baka kinilig na ko sa asta nilang dalawa. Biruin mo, ang mahal na mahal kong si Toya at ang gwapong photographer na first kiss ko, pinag-aagawan ako? Gusto kong tumawa ng malakas pero talagang wala ako sa mood. >.<
“Toya..” sabi ko. Wala talaga ako sa mood eh. Gusto ko nalang magpahinga talaga. “Bukas nalang tayo mag-usap, please?”
Hindi ko na hinintay pa si Toya na magsalita. Tinalikuran ko na siya at nagpaakay kay Hiroshi papasok sa bahay. Sinalubong pa nga ako ni Lola pero sabi ko hindi na ko makakakain ng hapunan kasi masama pakiramdam ko. Hinatid naman ako ni Hiroshi sa kwarto ko.
***
“Are you sure na hindi ka kakain? ” Iniupo ako ni Hiroshi sa kama ko. Siya naman umupo sa study table.
“Yeah..I’m not hungry..” Tumingin ako sa bintana. Nakikita ko yung lighthouse. Kinilabutan na naman ako.
“Hey..” Mukhang nakita ni Hiroshi yung takot sa mga mata ko kaya bigla siyang lumapit sakin. Tinitigan pa niya mukha ko. Sa sobrang lapit niya, napatingin tuloy ako sa mga labi niya.
At bigla akong may naalala.
“I don’t kiss my little sister just to make her quiet.. I spank her....buti nga sa’yo, I gave you the sweetest way…”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomansaThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.