A/N: La la la la la hahaha Toya's back with a bang. Sabi ko naman sa inyo, babalik din si Toya eh. Lagi ba siyang missing in action? Siyempre, nagpapamiss lang naman siya hahaha. Shocked ba kayo? Haha marami pang mga pasabog. This chapter is Yoichiro's Arc. First ever POV niya hehe. Makikilala niyo na ang current crown prince na si Yoichiro. May panama ba ang photographer na si Hiro at ang architect to be na si Toya sa isang Royal Blood??? HAHAHA. XD
At dahil maraming nakamiss kay Toya, may picture siya sa gilid. :)
***
~Yoichiro’s POV~
“Bakit kailangan niyong magpakita?? Hindi ba’t sinabi ko sa inyong layuan niyo ko? At kung babantayan niyo ko eh yung hindi kayo mahahalata???” galit na galit ako habang nasa loob ng sasakyan. Hindi ako makapaniwalang sumuway sakin tong mga bodyguards ko. Nalaman na tuloy ng lahat na parte ako ng Royal Family.
Lalo na si Yashiri..nalaman niyang isa akong Prinsipe.
Badtrip.
Badtrip talaga!
“Sorry po, Kamahalan..” sabi ng isa sa mga bodyguards ko.
“Tsk…kayo magpaliwanag sa Emperor. Kapag lumabas sa media to, kayo malalagot..”
Nakarating na kami sa Tokyo Imperial Palace. Agad akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob ng palasyo. Sinalubong ako ng napakaraming mga katulong.
“Welcome back po, Crown Prince..”
Hindi ko pinansin ang mga bumabati sakin. Naiinis pa rin ako hanggang ngayon. Sino ba ang hambog na lalaking yun? Siya palang ang kauna-unahang nagpadugo ng mukha ko. Tsk.
“Sino ka ba?”
“Wala ka ng pakialam dun.” Sagot nito “Hindi ko pinapayagang may humawak na iba sa prinsesa ko."
Badtrip talaga!!!! Naalala ko na naman yun..Paakyat na ko sa hagdan nang makita ko ang mommy ko. No other the one and only Empress Atsuko. Kasama niya yung mga tagasunod niya, na mukhang hihiwalay lang sa kanya kapag nasa loob siya ng comfort room o kapag matutulog na sila ng Emperor.
“Yoichi..what happened to your face??” Nag-aalalang sabi ni Mama.
“There’s nothing to worry about..” sabi ko.
Nilapitan niya ko at hinawakan sa mukha. “It’s your first week here in Japan, tapos may sumuntok na sa’yo? Sino na naman ang inaway mo?”
“Wala to, Mama..”
“Come, let’s have a drink and talk about this..”
“Mama?”
“Come, now..”
Bumuntong hininga ako at sumunod nalang kay Mama. Pumunta kami sa garden, na siyang favorite place ni Mama.
“What do you want, your royal highness?” sabi ng isang tagasilbi ni Mama.
“Lemon tea please..saka paki-serve na rin yung dala ni Yukino na cake..” sabi ni Mama.
“Nandito na si Yukino??” sabi ko. "Akala ko nasa London pa siya??"
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomansaThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.