A/N: Waaaa... isang bagong character na naman ang lumitaw! Matagal na siyang nababanggit sa mga ibang chapters. Chapter 1 palang, nabanggit na ang painter na si Fujiko. At sinabi pa niyang si Ojiro si HIro my labs! Totoo nga kaya? Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay nina Ishi at Hiro? Ayiieee... :)
Media: Picture ng aloof na painter sa gilid, Watanabe Fujiko-san. :)
***
~Hiroshi’s POV~
“Ikaw si Shouko..” Tinuro ni Fujiko si Ishi na katabi ko sa sofa.
“At ikaw… Ikaw si Ojiro..” sabi niya sakin.
Paulit-ulit na sa utak ko ang mga sinabi ni Fujiko. Hindi ko pa rin maabsorb.
“At last, you’re reunited again..” dagdag niya habang umiiyak. Bakit kailangan niyang umiyak? Ako nga ang dapat na senti dito eh!
“Huh?” Tanging sabi ko. Ipinilig ko ang ulo ko at tumayo. Sinampal ko magkabila kong pisngi.
“Am I dreaming?” sabi ko kay Ishi. Hindi siya makatingin sakin at nakatulala lang kay Fujiko.
“Hindi ka nananaginip, Hiroshi. Totoo mga sinabi ko.” Si Fujiko ang sumagot imbes na si Ishi. Ang tahimik niya kasing bigla.
“Upo ka ulit dali! Naeexcite na kong magkwento sa inyo..” excited na sabi ni Fujiko.
“T-teka..” si Ishi biglang nagsalita.
“Yes? Shouko-sama? Ay grabe hindi pa rin ako makamove-on!” sabi ni Fujiko.
“How can you be so sure na ako si Shouko? Wala pa naman akong sinasabing confirmation..”
Napaupo ako sa sinabi ni Ishi. Tama siya. Hindi kaya pinagtritripan lang kami ni Fujiko?
“That necklace..saka kamukha niyo sila..” sabi ni Fujiko.
Napatingin naman kami ni Ishi sa suot niyang kwintas.
“Saan mo nakuha yang necklace?” tanong ni Fujiko.
“R-regalo to sakin ni..ni Hiroshi..” sabi ni Ishi.
“Saan mo naman nabili yung kwintas?” tanong naman niya sakin.
“Sa isang antique shop..may sinabi pa nga yung matanda bago ko bilhin yan..” sagot ko.
“Ano?” sabi ni Ishi.
“It will lead you to the one you love…” sabi ko.
~Flashback~
Naglalakad ako sa may kalye sa bayan ng Choshi nang mapadaan ako sa isang interesting shop. Isa palang antique shop. Nakabili na ko ng gift ko kay Ishi. Isang couple cellphone. Same kami. Nasira kasi yung cellphone niya. Pero, I am looking something unique para sa kanya. Hindi ako kuntento ng cellphone lang.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.