Legend 31: "Face-Off"

1.6K 20 33
                                    

A/N: Medyo mahaba ang chapter na ito ha. Nag-enjoy kasi ako sa pagsusulat nito haha. Ito na ang pinaka-aabangan niyong face off nina Hiro at Toya. Hahaha may the best man win!

 

Media: May music video na sina Hiro, Ishi at Toya. Ang kasalukuyang love Triangle sa story na to. Check niyo nalang sa gilid haha. It is entitled Everything For You by Satou Akemi. Soundtrack din siya sa Fushigi Yuugi na favorite anime ko. Yiee. Kakantahin din siya sa chapter na to :)

---> Picture nina Hiro (left) at Toya (right)  sa side. Grabe lang, ang hirap pumili haha :)

***

~Hiroshi’s POV~

             Today is the day. Birthday na ni Yashiri.

            Hindi na naman kami nag-usap kahapon. Halatang iniiwasan niya ko. Busy kaming lahat sa pag-aasikaso para sa Summer Festival. Si Lola Yumi kasi ang isa sa sponsor sa event. Alam niyo na, mayaman kasi. Buti nalang close sila ni Lola Kyoko at nayaya niya ang grupo nina Maki para magperform sa Summer Festival.

        Practice lang ng practice kahapon ang grupo nina Maki kasama ang manager nila na si Seya. Si Ishi naman at ang kanyang mga kapatid ang nakatoka sa mga designs ng stage. Si Lola Yumi ang nagpakilala sa akin kay Eitaro at Yuu. Mababait naman pala. Ang cool ng mga kapatid niya at gwapo rin gaya ko. Kami naman ni Kenji ang toka sa photography booth. Well, para saan pa at mga photographer kami di ba?

            Tanghalian. Kaharap ko si Ishi. Iwas mode na naman siya sakin. Naisipan ni Lola Yumi na bonggahan ang lunch namin.

            “Happy Birthday, Ate!” Sabi ni Yuu.

            “Yeah, Happy 18th little sis..” Sabi ni Eitaro.

            “Wow, dalaga na ang apo ko.” Si Lola Yumi.

            “Pwede nang magboyfriend ah.” Si Seya.

            “Ayeee.. boyfriend!” Sabi naman ni Maki na nasa tabi ko, tumingin pa siya sakin ng nakakaloko. Parang kinikilig pa siya. Inapakan ko yung paa niya sa ilalim ng lamesa.

            “Aww! Kuya?” Tumingin siya sakin.

            “Ang sarap ng food no, Maki?”

            Nahalata naman ni Maki ang gusto kong iparating ng bigyan ko siya ng shut-the-f*ck-up look.

            “Ahh..oo naman kuya ang sarap..yum! Kain tayo! Haha..”

            “Happy Birthday Yashiri!” Pakantang bati nina Kazumi, Satomi, Maiko at Akemi.

            “Huy bakit di niyo ko sinama? Ulitin natin!” Sabi ni Maki. Tss, ang competitive ng kapatid ko.

           “Okay..” sabi ni Satomi. “Pero this time, lahat naman tayo kakanta! One, two, three…” Nagkumpas si Satomi. Siya pala ang composer sa grupo nila.

            “Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, happy birthday!...” kanta nilang lahat maliban sakin.

            “Thanks sa inyo..” Nakangiting sabi ni Ishi. This time napatingin na siya sakin. Parang hinihintay niya atang batiin ko din siya.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon