Legend 92: "Lady in Black Hat"

1.1K 16 9
                                    

 

~Yashiri’s POV~

 

“That song is only for you, Ishi. We’ve been through a lot..but I promise you this.. we won’t be separated, cross my heart..”

Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Hiro kanina. Nakakakilig naman kasi eh!!! Talagang hindi siya natakot na magsalita ng ganun sa harap ng pamilya ko, lalo na sa Daddy ko. Kanina pa ko nakahiga sa kama ko at hindi ako makatulog.

Sino bang makakatulog kung alam mong nasa labas lang yung boyfriend mo, kainuman yung tatay mo?

Matapos kasi yung kanta ni Hiro ay naghamon pa si Daddy ng ilan pang kanta. Ilang beses rin kumanta si Hiro. Ilang beses na rin natalo si Daddy. Maging sina Mommy at Lola ay naki-join na sa kantahan. Syempre di rin ako nagpaawat kanina. Nagduet pa nga kami ni Hiro. Nakakakilig nga eh!

Mula sa isang paligsahan ay naging katuwaan nalang yung videoke kanina. Naging komportable na rin si Hiro sa pamilya ko dahil na rin siguro naramdaman niya na tanggap na siya ni Daddy. Nag-enjoy kasi si Daddy na kabonding si Hiro. Nakahanap siya ng katapat. Nachallenge si Daddy sa kanya. Natutuwa naman ako kanina sa nakikita ko. Minsan nakikita ko si Daddy na tumatawa dahil sa mga biro ni Hiro, tapos inaakbayan niya ito. Para silang mag-ama.

Nang matapos yung hapunan namin ay hindi na inutusan pa ni Daddy si Hiro. Niyaya nalang niya itong makipag-inuman. Matulog na daw ako dahil no girls allowed sa bonding nila. One on one tuloy sila simula kanina pa. Kumusta na kaya sila?

***

 

~Hiroshi’s POV~

Sinalinan ko ng brandy ang baso ni Tito Yamato.Yes, he wants me to call him that, hindi na ‘SIR’. Kanina pa kami dito sa mini bar at nakakailang shot na rin kami. Medyo tipsy na si Tito dahil namumungay na mga mata niya. Marami na rin kaming mga napag-usapan. Tungkol sa negosyo namin, sa mga travels niya dahil pilot siya saka tungkol sa pamilya niya.

“Malaki ang kasalanan ko sa pamilya ko, Hiroshi. Aminado naman ako na nambabae ako..di ko maiwasan dahil lagi akong may nakakahalubilo na babae sa bawat flights ko. Saka sa gandang lalaki ko, talagang lapitin ako ng chicks.. pero dahil sa tukso na yun, muntik ng masira pamilya ko. Biruin mo, sa ganda ng asawa ko,..model pa siya sa lagay na yun, nagawa kong makasala..”

“Pero I’m sure naman ginagawa niyo na ngayon yung tama, Tito..” sabi ko.

“Yeah.. para sa mga anak ko. Lalo na sa nag-iisa kong anak na babae..ayoko kasing mangyari sa kanya yung ginawa ko sa mommy niya. Ayokong lokohin siya ng lalaki..”

Tinitigan ako ni Tito. Bigla tuloy akong nailang.

“Marami akong naririnig noon tungkol sa’yo..nasira daw ang buhay mo nang dahil sa isang babae..” sabi niya.

“Ah..matagal na ho yun..”

“Magkaibigan nga ang mga pamilya natin pero bakit ngayon lang kita nakabonding ng ganito? Hahaha kung lagi siguro magkasama mga pamilya natin, malamang matalik mong kaibigan mga anak ko, lalo na si Eitaro..”

Mahina akong napatawa. “Siguro nga po..”

Biglang napatigil sa pagtawa si Tito Yamato at seryosong napatingin sakin.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon