~Hiroshi’s POV~
Muntik muntikan na kong maaksidente dahil sa pagmamadali sa pagmamaneho. Bawat segundo ay mahalaga dahil buhay ni Ishi ang nakataya dito. Nang makarating na ko sa lugar kung saan nila dinala si Ishi, agad kong inihinto yung sasakyan. Ni hindi ko na nga inisip na isara yung pintuan ng sasakyan ko nang makababa ako sabay takbo.
Nasa isang lumang subway sa tagong lugar sa Tokyo nila dinala ang girlfriend ko. Pamilyar na pamilyar sakin yung lugar na ito, dahil sa lugar na ito, natutunan kong makipag street fight at halos makipagpatayan sa mga kalabang mafia noon. Bakit dito nila dinala si Ishi at bakit alam nila yung lugar na ito?
Hindi kaya…
It…It can’t be..
This is only a nightmare..nakakatakot ang mga hinala ko.
“Hindi ko inaasahang napakabilis mong magmaneho..wala pa atang sampung minuto, nandito ka na agad..” salubong sakin ng isang lalaki na nakaleather jacket na itim. Malaki ang katawan nito at halatang mukhang gangster.
“Where is she??” sabi ko. Kinuyom ko yung mga kamao ko dahil sa pagpipigil ko ng galit ko.
Ngumisi yung lalaki. “Alam mo, kanina pa kami nagpipigil dito. Mukhang masarap syota mo—“
“F*ck you!” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil nasuntok ko na agad siya sa bibig niya. Tumba yung lalaki sa sahig. Pinagsisipa ko pa siya sa tagiliran niya. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa nagsidatingan naman yung mga kasamahan niya. Tatlo silang lalaki.
Itinulak ako nung isa sa mga kasamahan nung lalaking binugbog ko.
“G-Grabe..hin-hindi ko inasahan yung…yung suntok niya..ang lakas niya pare..” sabi nung lalaking binugbog ko.
Nanginginig pa rin ako sa galit habang hawak ako sa magkabilang balikat ng dalawang iba pang lalaki.
“Nasaan siya???” sigaw ko sa mga ito.
“Sumunod ka samin..” sabi nung isa.
Nagsimula kaming maglakad habang hawak pa rin ako nung dalawang lalaki. Dinaanan ko lang yung lalaking sinuntok ko kanina. Nakaupo na siya ngayon sa sahig at hawak yung namamaga niyang bibig. Ang sama ng tingin niya sakin.
“Dapat lang sa’yo yan, ang bastos kasi ng bunganga mo.” Sabi ko sa kanya. Dinura lang niya yung natanggal niyang ngipin na may kasamang dugo. Susugurin ko pa sana siya nang bigla akong tutukan ng baril ng lalaki na nasa kanan ko.
“Subukan mo, sabog yang bungo mo..” sabi nito sakin.
Napatitig lang ako sa kanya. Nagsukatan kami ng tingin.
“Oy tama na yan..” sabi pa nung isa na siyang nangunguna sa paglalakad.
“Lakad na..” pagtutulak sakin nung lalaki na nasa kaliwa ko.
“Tandaan niyo to, kapag may nangyaring masama sa kanya..hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo..” sabi ko.
Ngumisi lang yung mga lalaki.
Nang huminto sa paglalakad yung mga lalaki, itinuro niya sakin kung nasaan si Ishi. Nasa loob siya ng isang lumang tren. Kitang kita ko sa bintana ng lumang tren na natutulog siya, nakatali ang magkabilang kamay niya sa maliit na poste sa loob ng tren, pati mga paa niya ay nakatali rin. Magulo buhok niya at halos mahubaran na siya sa ayos niya. Halatang nanlaban siya.
Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko sa galit. Anong ginawa nila sa pinakamamahal ko???
“ANONG KAILANGAN NIYO SAMIN? BAKIT KAILANGAN NIYO PA SIYANG DUKUTIN MGA HAYOP KAYO!!!” sigaw ko sa kanila. Nagwawala na ko kaya lalong napahigpit yung hawak sakin.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.