Legend 91: "Cross My Heart"

1.1K 21 18
                                    

~Yashiri's POV~

"Anak, pwede bang umupo ka? Nahihilo ako sa'yo eh. Kanina ka pa palakad lakad sa harap ko.."

Reklamo ni Daddy sakin na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang ako naman ay hindi mapakaling naglalakad. Napahinto ako at napatingin sa kanya.

"Dad, tell me honestly..bakit wala kang flight ngayon? Wala ka ba talagang pasok o nagleave ka?" tanong ko.

"I made this day available para kay Hiroshi."

"Hmmm.. may nararamdaman akong kakaiba. May pinaplano ka bang hindi maganda sa kanya, Dad?"

Napangiti lang si Daddy.

"Dad! Tell me! Bakit mo siya papapuntahin dito ng mag-isa tapos gusto mo dito pa siya matulog!? What's your agenda?"

"Kumalma ka nga, Ishi.." sabi ni Mommy na bigla nalang sumulpot mula sa kusina. Umupo siya sa sofa, katabi ni Daddy. Inakbayan naman ni Dad si Mommy.

Napatitig ako sa mga magulang ko at bigla akong napangiti. Ayos na ang mga magulang ko. Hindi na nila tinuloy yung divorce. Buo na ulit ang pamilya namin. Sana, hindi na ulit magkaroon pa ng problema.

Bigla may nag doorbell. Parang tumalon bigla yung puso ko.

"Mukhang dumating na ang boyfriend mo. Tamang tama, nakapagluto na kami ni Mama.." sabi ni Mommy. Katulong niya kasi sina Lola Yumi at Ayame sa pagluluto ng lunch.

Namutla akong bigla. Kinakabahan ako na excited. First time ni Hiroshi na magpunta dito sa bahay namin. Simula nung maghiwalay kami sa ospital, naging busy na siya sa kumpanya nila. Ako naman, pinagpahinga muna dito sa bahay. Hindi muna ako pumasok sa school.

"Nandito na po si Sir Hiroshi.." sabi ni Ayame.

Nakita ko si Hiro na nasa likod ni Ayame. Suot na naman niya yung eye glasses niya. Pero bakit habang tumatagal ang araw, nagiging mas gwapo at macho ang lalaking ito sa pangingin ko?

"Good afternoon po.." bati ni Hiro. Tumayo naman ang mga magulang ko mula sa sofa. Sinalubong ni Daddy si Hiro at kinamayan.

"You made it, hijo."

Ngumiti naman si Hiro.

"Ibigay mo nalang kay Ayame yang gamit mo, hijo. Kakain na tayo ng tanghalian.." sabi naman ni Mommy. "Mauuna na kami sa inyo sa dining area.."

"Thanks po.." tumingin naman si Hiro kay Ayame at nginitian. Sabay inabot na niya yung bag niya dito. "Long time, no see ah.."

Ngumiti naman si Ayame at umalis na. Naiwan kami ni Hiro.

"Hello, princess.." bati sakin ni Hiro.

"H-Hi.."

Tumikhim siyang bigla. Halatang kinakabahan siya. Nilapitan ko siya at hinawakan sa isa niyang kamay. "I'm here, okay?"

Tumango naman siya.

Ngumiti ako. Gustong gusto ko siyang yakapin ngayon para mawala ang kaba niya.

Sino bang mag-aakalang ang dating mafia na si Hiroshi Ueda ay tumitiklop ng dahil sa presence ng Daddy ko?

Itong malaking lalaki na 'to na akala ko noon ay walang kinatatakutan, pagdating pala sa mga ganitong bagay ay natatameme din..

"Let's go?" sabi ko sa kanya.

Ngumiti si Hiro. "Okay.."

***

Nagulat nalang kami ni Hiro ng makarating kami sa dining area. Napakaraming pagkain sa lamesa.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon