Legend 59: "Symbolism of Reincarnation"

1.4K 23 15
                                    

A/N: What a revelation! Ngayon alam na ni Ishi ang lihim na matagal na itinago ng pamilya ni Fujiko, ano na ang mangyayari sa buhay niya? Bigla siyang nagkaroon ng malaking responsibility to protect the Imperial Family. Haha..magugulo ang buong Japan kapag nalaman ito ng lahat. Grabe lang! Haha. Malapit lapit na talaga guys..Oh my gosh! Haha.. :)

Media: Picture of Yashiri sa tabing dagat. ang cute nung butterfly :) <3

***

~Yashiri’s POV~

 

“Anong iniisip mo?” sabi ni Hiro. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa tabing dagat. Maya maya ay babalik na kami sa Chiba. Tapos na ang misyon namin dito sa Fukui. Nalaman ko na ang lahat kahapon.

“Hmm..iniisip ko kung ano ba yung magiging future ko..” sabi ko kay Hiroshi. 

After nung pag-uusap namin nina Fujiko at ng Elder, may special request sila sakin. Sa kanilang mga sinabi, hindi talaga ako matahimik.

~Flashback~

 

“Please, Yashiri..huwag na huwag mo itong sasabihin kay Hiroshi..o sa kahit kanino.." sabi ni Fujiko.

“Pero bakit? May karapatan naman siyang malaman dahil siya si reincarnated Ojiro, di ba?” sabi ko.

“Hindi siya sigurado, Yashiri..” sabi ni Elder. “Nakausap ko siya kanina at nakita ko namang nagsasabi siya ng totoo. Wala raw siyang mga signs na siya si Ojiro. Nag-aalala ako kaya mas mabuting huwag mo na itong sabihin sa kanya. Kung hindi siya si Ojiro ay mas mabuti.”

“Bakit naman ho?”

“Dahil hindi mapapahamak ang buhay niya..”

“B-Buhay niya?Ma-mapapahamak??”

“Lahat tayo dito ay maaaring manganib ang buhay. Sa panahon ngayon, kung malalaman ng lahat ang nangyari sa nakalipas ay talagang magkakagulo ang buong Japan. Makwekwestiyon ang Imperial Family. Pati kayo ni Hiroshi ay magiging mainit sa paningin ng media.”

“Kaya nga ako nag-iingat eh. Ayokong mahalungkat nila ang buhay ko. Hindi lang gimik yung disguise ko at yung pamysterious effect ko sa media, kundi may purpose talaga. I’m just protecting my family..” sabi ni Fujiko.

“Kaya upang maiwasan ang mga komplikasyon, sana ay walang makaalam nito. Kahit pa ang nobyo mo na kamukha ni Ojiro ay hindi pwede. Hangga’t hindi pa tayo nakakasiguro sa bagay na yun.” Sabi ni Elder.

“Pero..paano kapag napatunayang siya si Ojiro?” sabi ko.

“Dun palang natin pwedeng sabihin sa kanya ang lahat..” sabi ni Fujiko.

~End of Flashback~

 

“Future? Siyempre sakin..” sabi ni Hiroshi.

Napangiti ako. “Oo naman. Ikaw makakasama ko sa future ko..”

“Yeah.. I’m really hoping..”

“Mangyayari yun, Hiro my labs. Tiwala lang..”

May nakita akong isang babasaging bote sa isang part ng beach at agad ko itong nilapitan. Umupo ako sa gilid nito.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon