~Hiroshi’s POV~
Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ni Ishi sa ospital. Nalaman ko mula kay Eitaro at Yuuya na nasa labas na umuwi muna ang mga magulang at lola ni Ishi para ikuha siya ng mga gamit. Nagpaalam yung magkapatid na kakain daw muna sila.
Buti nalang at pinakain ako ng matamis kanina after ng blood donation ko.. Hindi pa pala ako kumakain ng hapunan. Disoras na din ng gabi.
Nilapitan ko yung kama ni Ishi. Kasalukuyan pa siyang natutulog.
Hinawi ko yung hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.
“Ang gusto ko lang naman ay makita ka. Kausapin ka tungkol sa paghahalikan niyo ni Toya. Tanungin ka kung bakit mo ginawa yun. Pero bakit kailangan mo pang madamay sa lahat ng ito, Ishi?” sabi ko habang hinahaplos yung buhok niya.
Hinalikan ko siya sa kanyang labi bago ako umupo sa tabi niya. Hinawakan ko yung malamig niyang kamay.
“Thank God you’re safe. Mababaliw na siguro ako kung mawawala ka sakin..”
Bigla akong nakaramdam ng pagod. Kaya naman inihiga ko yung ulo ko sa gilid ng braso ni Ishi.
Unti-unti akong nakatulog.
***
“Kuya?”
“Hmm..”
“Kuya, wake up..”
Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Nakita ko si Maki.
“Yes, Maki?” Iniangat ko yung ulo ko at napatingin sa bintana. Maliwanag na sa labas. Umaga na pala.
Saglit kong tinignan si Ishi. Tulog pa rin siya. Ang haba naman ng tulog ng prinsesa ko.
“Kuya, Sumire’s safe now.”
“Really? Mabuti naman kung ganun. Malamang nabunutan na din ng tinik si Toya..”
“Speaking of Toya..may pinapasabi pala siya sa’yo..”
Kumunot yung noo ko. “W-What?”
“Magkita daw kayo sa rooftop ng ospital ngayon. Hinihintay ka daw niya.”
“As in now?”
Tumango si Maki. “Saka, I need to go, Kuya. Susunduin ako ni Seya. Kailangan ko na daw munang magpahinga. May rehearsals kasi kami mamayang hapon.”
“I’m sorry. Naabala pa tuloy kita.”
“Okay lang yun, Kuya. Sobrang nag-alala kasi talaga ako sa’yo. Kasama nga mamaya ni Seya si Akemi. Sobrang nag-alala din siya sa’yo.. mukhang crush ka ni Akemi..”
“Psh. Maki?”
“Hahaha..go ahead kuya. Puntahan mo na si Toya. Kami na ni Ate Fujiko at Kuya Kenji ang bahala kay Ishi.”
“Nasaan na pamilya ni Ishi?”
“Kausap sina Mommy at Daddy..”
“Huh? Bakit?”
“Uhm..humihingi ng tawad si Dad sa nangyari kay Ishi..sana naman hindi sila magkagulo..”
“I-I see..sige pupuntahan ko lang si Toya.”
Binuksan ko yung pinto at nakita ko sina Fujiko at Kenji na may dalang mga pagkain. Papalapit sa may kwarto ni Ishi.
“Kumain ka muna, bespren..” Iniabot sakin ni Kenji yung isang sandwich.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.