A/N: Shocking revelation ba ang naganap last chapter? Marami pang dapat abangan kaya tutok lang watty readers. :) Picture pala ni Yashiri at Empress Shouko sa gilid. Talaga ngang magkamukha sila... :)
***
~Yashiri’s POV~
“300 taon ang hinintay mo para lang makita siya. Ngayon, muli kang nagbalik upang ituloy ang naudlot niyong pagmamahalan. Ikaw ay para lamang sa kanya, at siya’y para lang sa’yo. Yan ang pangako niyo sa isa’t isa. Maligayang pagbabalik, Empress Shouko…”
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ano ang ibig sabihin ni Lola Yura? Masama man tong naiisip ko pero, nababaliw na ba siya? Are you on drugs, Lola Yura?
“Nagkakamali po kayo, Lola.” Binawi ko agad ang kamay ko at sunud sunod na umiling. Imposible ang sinasabi niya. Ako, reincarnation ni Shouko? Isang malaking ASA.
“Hindi ako maaaring magkamali…para mapatunayan ko sa’yo…sumama kayo sa amin….Ayu?”
“Nandito po ako, Lola..” Lumapit si Ayu kay Lola Yura at ibinigay dito ang isang tungkod na galing sa di kalayuan. Nagpumilit itong tumayo kahit na uugod ugod na ito. Napatingin naman ako sa gilid ko, nakita ko si Hiroshi na tahimik lang na nakatingin samin. Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
“Tayo na…sumama kayo samin…” sabi ni Lola Yura.
“Saan ho tayo pupunta?” tanong ni Hiroshi.
“Sa Kyoto Imperial Palace…”
“Ho?”
Ang Kyoto Imperial Palace ang dating palasyo na pinaninirahan ng Imperial Family. Ngunit nang matapos na ang Tokugawa Era at pumasok na ang Meiji Era, napalitan ang capital ng Japan at naging Tokyo. Dito na rin lumipat ang Imperial Family. Sa ngayon, nakatira ang Royal Family sa Tokyo Imperial Palace.
Sumunod nalang kami ni Hiroshi kina Lola Yura at Ayu. Malapit lang naman ang Kyoto Imperial Palace sa Rozan-Ji Temple kaya madali kaming nakarating dito. Nakarating kami sa palasyo at pumasok sa loob. Kilala naman si Lola Yura ng mga nagbabantay sa palasyo kaya agad kaming nakapasok. May dinaanan kaming isang pababang hagdan papunta sa basement. Medyo nahirapan pa nga si Lola Yura na makababa at binuhat nalang siya ni Hiroshi.
Nang makarating kami sa dulo ng daan, isang malaking pader ang sumalubong sa amin. Kinapa ni Lola Yura ang pader at may pinindot siya sa may bandang kaliwa na maliit na button at bigla itong bumukas. Isang hidden place.
“Wow…” sobrang namangha ako.
“Tayo na sa loob. Ito ang taguan ng mga lumang gamit ng Imperial Family. Sa inyo ko lamang ito ipapakita dahil sa tingin ko ay nararapat na makita niyo ang mga ito..lalo ka na hija..”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.