Legend 61: "Hold My Hand"

1.4K 20 30
                                    

A/N: Anime version ni Hiroshi Ueda sa gilid :)

***

~Yashiri's POV~

"Chill ka lang, Ishi! Magde-date lang kayo ni Hiro!" sabi ko sa harap ng salamin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali eh. Hindi ko alam kung ano isusuot ko. Naka-undies pa rin ako kanina pa.

"Grrr...ano ba susuot ko? Kaasar naman! Hindi naman kasi sinasabi ni Hiro kung saan kami pupunta eh..."

Muli akong naghanap ng damit sa closet ko. Sa tingin ko naman kahit na ano pa isuot ko, magugustuhan ni Hiro.

Nakita ko yung red dress na binili ni Hiro para sakin. Hmm kung ito nalang kaya? Kaso pang formal naman kasi to masyado. Saka masyadong sexy.

"Huhu ano ba kasi pwede kong isuot??"

Sa bandang huli, isang mini skirt at simple na peach see through blouse yung sinuot ko. Tinernuhan ko ng brown na doll shoes. Naglagay ako ng manipis na make up. Minsan lang ako magmake up kaya siguradong maglalaway si Hiro my labs sakin. Hinayaan ko namang nakalugay yung buhok ko kasi madalas akong nakapony tail. Para maiba naman. Haha..

"Hay bahala na nga.." Nagwisik ako ng pabango at kinuha yung pouch ko. Lumabas ako ng kwarto ko.

***

Kabado ako habang pababa ng hagdan. Nakita ko kasi si Hiro sa may sala at kausap si Kenji.

"O, andiyan na pala si Yashiri.." sabi ni Kenji nang makita niya ko.

Agad namang tumayo si Hiro at nginitian ako. Tinignan muna niya ko mula ulo hanggang paa.

"Naks naman, nakamake up..haha.." sabi ni Kenji. Pang-asar lang talaga lagi tong si Kenji. Bwiset.

"Tse.." sabi ko kay Kenji. Panira kasi ng momentum.

"Shall we?" sabi ni Hiro nang lapitan niya ko.

Tumango ako at ngumiti. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Naka hapit na gray T-shirt siya at pinatungan niya ng black na coat. Bakat na bakat yung maganda niyang katawan. Oh la la ulam. Haha. Nakapants naman siya at naka high cut na black chucks. Ang rugged niyang tignan. Haha ang yummy lang!

"Oy ingat kayo..gumamit kayo ng proteksyon.." sabi ni Kenji.

Namula naman ako sa sinabi ni Kenji.

"Hoy Kenji! Kung anu-ano sinasabi mo diyan baka marinig ka ng mga katulong.." sabi ni Hiro.

Wala kasi sina Lola Yumi at Kyoko. Kapag ganitong umaga kasi naglalakad sila sa tabing dagat. Exercise daw nila. Ang paalam namin ay babalik kami sa Tokyo para bumili ng gamit para sa school at magpapasama lang ako kay Hiroshi. Grabe nagkaboyfriend lang ako natuto na kong magsinungaling sa Lola ko. Sasabihin ko naman sa kanya eh, pero hindi pa ngayon.

"Haha..matutulog nalang ako ulit. Enjoy kayo.." sabi ni Kenji at muling umakyat sa kwarto niya.

Lumabas na kami sa bahay at isinakay ako ni Hiro sa mamahalin niyang black Porsche Car. Sosyal. >.<

"Where are we going?" sabi ko. Siya ang nagsuot ng seatbelt ko. Naaamoy ko na naman yung mabango niyang pabango. Nakakagigil haha.

"Secret. You'll see.."

"O-Okay.." Nakaka-excite naman!

Nagsimula nang patakbuhin ni Hiroshi yung sasakyan niya. Binuksan ko nalang yung bintana para tipid sa aircon at gasolina. Masarap naman yung ihip ng hangin eh.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon