~Sumire’s POV~
Ibinalik ko sa bulsa ko yung phone ko matapos kong tawagan si Toya.
Hindi mawala yung panginginig ng mga kamay ko.
Ano tong nagawa ko???
Napatingin ako sa mga palad ko na puro dugo..
Nakapatay ako ng tao..
Pinatay ko yung tauhan ni Soichiro…
A-anong gagawin ko??
Isip Sumire…
Mag-isip ka…
Tumingin tingin ako sa paligid ko. Mukhang wala namang nakakita sakin. Agad kong kinuha yung panyo na nasa kabilang bulsa ng palda ko at pinunasan yung dugo sa mga palad ko. Tinignan ko rin ang damit ko, wala namang talsik ng dugo. Matapos nun ay naghanap ako ng lighter sa sasakyan ni Soichiro at agad kong sinunog yung panyo para walang ebidensya. Ang Swiss Army Knife naman ay ipinaanod ko sa katabing ilog ng lumang subway. Sa pagkakataong yun, lakas loob akong muling bumalik sa loob sa lumang subway.
“Bakit parang natagalan ka ata?” bungad sakin ni Soichiro. “Nasaan na si Enishi?”
“Inutusan ko siyang bumili ng gas..” sabi ko. Lumapit ako kay Soichiro at iniabot yung susi at phone niya.
“Gas? Para saan?”
“Dahil plano kong sunugin ang lahat ng ito kapag patay na silang dalawa..walang ebidensyang matitira. Palalabasin natin na nasunog ang mga ito kaya walang maghihinala satin..”
“Ang bilis talaga ng utak mo, Sumire. Tama ka. Mabuti nalang at naisip mo yun.”
“Tawagan mo na si Hajime Ueda, Dad.”
“O, sige. Sandali..”
Nakita ko siyang sinisimulang tawagan ang tatay ni Hiroshi. Napatingin ako kay Yashiri. Tulo ng tulo yung luha niya habang nakayuko. How can I be so cruel? Nadamay siya sa lahat ng ito ng dahil sa misunderstanding ko at sa pagsisinungaling ni Soichiro. Hindi naman ako masamang tao eh.
Napatingin naman akong bigla kay Hiroshi. Nagulat ako dahil nakatingin din pala siya sakin. Kalmado lang siya. Na parang sinasabi ng mga mata niya sakin na alam ko na ang dapat kong gawin at hindi siya naniniwala sa mga inaakto ko ngayon. Akala ko pa naman ay effective na yung acting ko. Matagal kong itinago sa sarili ko ang galit ko kay Hiroshi Ueda. Ngunit sa maling tao pala ako nagagalit..hindi pala siya ang dapat na pagbuntunan ko ng galit. Kundi ang taong nag-ahon sa aming mag-iina sa putikan. Wala akong pakialam kung malaki ang galit ni Soichiro sa mga Ueda. Sana hindi nalang niya kami dinamay. Sana hindi nalang niya kami ginamit. Wala siyang puso.
Kung aalis si Toya ngayon mula sa bahay at pupuntahan ang mga pulis, most probably mga 30 minutes lang ay nandito na sila. Pasimple akong tumingin sa wrist watch ko. 7pm na. Mga 7:30 pa sila makakarating kung sakali. Kailangan ko pang umarte ng 30 minuto. Paano ko ba gagawing kapanipaniwala ang lahat?
Muli akong napatingin kay Soichiro na siyang kausap na ata si Hajime Ueda. Sinabi nitong kung hindi nito ibibigay ang gusto niya ay mapapahamak si Hiroshi. Bigla itong lumapit kay Hiroshi at hinatak yung buhok nito.
“Speak..” sabi nito kay Hiroshi. Itinapat nito ang phone sa bibig nito.
Nakita ko ang galit sa mga mata ni Hiroshi.
“D-Dad..don’t worry about m—“
Biglang inilayo ni Soichiro yung phone.
“Narinig mo na ang anak mo. Kung sa inaakala mong makakaligtas siya ngayon, nagkakamali ka. Kung hindi mo ibibigay ang gusto ko, ihanda mo na ang kabaong ng anak mo. At teka..gawin mo na palang dalawa. Pati na rin kay Yashiri Koizumi..HAHAHA” sabay ibinaba na nito ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.