Legend 89: "Fujiko's Thoughts"

987 20 2
                                    

~Toya’s POV~

 

“Tawagin niyo nalang po ako kapag kailangan na pong palitan yung dextrose niya..” sabi nung nurse sakin.

“Okay..salamat..” sabi ko. Lumabas na yung nurse sa pinto at naiwan kami ng nanay ni Sumire. Nasa magkabilang side kami ng kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin  gumigising si Sumire.

“Thank you for doing this to my daughter, Toya..” sabi ni Mrs. Aino.

“It’s my duty as her fiancé..” kalmado kong sabi.

Napaiyak na namang muli si Mrs. Aino.

“Nahihiya ako sa’yo at sa pamilya mo..hindi ko alam na yun pala yung totoong kulay ni Soichiro..isa pala siyang mafia boss. Lahat pala ng ito ay plano niya..maging ang paggamit niya sa pamilya mo. Ang alam ko lang ay gusto niyang maghiganti kay Hiroshi Ueda dahil sa pagkamatay ni Setsuna..yun naman pala—“

“Shh..tama na po, Tita..”

Nalaman ko mula kay Hiroshi ang lahat nung muli kaming makapag-usap. Dinalaw niya kasi si Sumire kanina at sinabi niya sakin ang lahat, mula sa storya ng ex-girlfriend niya maging ang misunderstanding sa pagitan nina Soichiro Aino at sa tatay niyang si Hajime Ueda.

“Yung Kojima palang yun ang dapat kong sisihin sa lahat ng ito. Ginamit niya ang asawa ko, maging ang anak kong si Setsuna. Kaso paano ko ibabaling ang galit ko sa kanya kung matagal na pala siyang patay..”

“We just need to forget everything, Tita..”

Pinahid ni Mrs. Aino yung luha niya sa mukha sabay huminga siya ng malalim.

“I need to go. Kailangan kong bumalik sa punenarya..walang…wala kasing pumupunta sa burol ni Soichiro..” sabi ni Mrs. Aino.

“I see..”

“Galit ako sa kanya, Toya. Dinadala na ngayon ni Sumire ang surname ni Soichiro since nung kasal namin. Pero sa kabila ng lahat ng ginawa niya, nagpapasalamat pa rin ako kasi pinaranas niya samin yung kaginhawaan sa buhay. Kaya naman, matiwasay na burol at libing ang handog ko sa kanya. Ipagdadasal ko nalang na sana patawarin siya ng Diyos sa lahat ng mga kasalanan niya..”

Tumahimik nalang ako. Galit din naman ako kay Soichiro Aino..matapos ang blackmail na ginawa niya kay Daddy. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na ang nangyari. Kamatayan ang naging kabayaran sa lahat ng ginawa niya.

“Ikaw na munang bahala kay Sumire..”

Tumango naman ako.

Tumayo na si Mrs. Aino at lumabas sa pinto. Napatingin ako sa mukha ni Sumire habang natutulog. Putlang putla ang kanyang mukha. Hinawakan ko yung isa niyang kamay.

“Please get well, Sumire. When you wake up..I promise, I will take care of you. I know that you need me. Alam kong naririnig mo ko..”

I chose Sumire over Yashiri.

I let go the one I love for Sumire’s sake.

Alam ko kasing bukod sakin, may Hiroshi naman na nagmamahal ng lubos kay Ishi.

Hindi siya mag-iisa.

Unlike Sumire..

She only have me.

She needs me.

“From now on..I will learn to love you. Promise.”

Tumayo ako at hinalikan siya sa labi. Hoping my kiss will make her heal faster.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon