A/N: Sorry for the late UD. Naging busy lang. Hehe. Unti-unti na bang marereveal ang nangyari sa past sa tulong ni Fujiko? Ano kaya ibig niyang sabihin na malaki ang koneksyon niya sa ancient couple na sina Empress Shouko at Ojiro? At bakit kaya walang mga signs si Hiro my labs na siya si Ojiro? Hmm..ang dami pa misteryo na kailangan masagot at dapat nating abangan. :)
Media: Ang cherry blossom tree picture sa gilid kung saan unang nagkakilala sina Ojiro at Shouko. <3
•••
~Yashiri’s POV~
“Teka, I think we need an explanation about this..” sabi ko. “Fujiko-san, sino ka bang talaga? Bakit ang dami mong alam about sa kanila? Ano ang koneksyon mo kina Ojiro at Shouko?”
“Malaki, Yashiri. Malaki ang koneksyon ko sa kanila..” and she gave us a mysterious kind of smile.
Nagkatinginan kami ni Hiro my labs. Ang lalaki na nasa tabi ko ang lalaking una kong minahal sa past life ko. Siya lang pala ang hinahanap ko. Nasa tabi ko lang pala palagi ang makakapagpatahimik kay Empress Shouko.
“Kung ganun, sabihin mo samin ang history mo. Paanong naging malaki ang koneksyon mo sa kanila?” sabi ni Hiro my labs kay Fujiko.
“Hmm.. nagsimula ang lahat sa isang sinaunang sulat..”
“Sinaunang sulat?” sabi ko.
“Nasa mga kamay ng aming angkan ang huling sulat ni Empress Shouko kay Ojiro..nakasulat dun ang wagas niyang pagmamahal kay Ojiro. At kasama sa loob nito ang larawan nilang dalawa na ipininta ng isang pintor noon..”
“T-then?” si Hiro.
“Yung sulat na yun ay ipinagpasa pasa sa aming angkan. Hanggang sa napunta ito sa akin. Isa ito sa mga pinaka-iingatan ng lahi namin..”
“Bakit nasa angkan niyo yung sulat na para naman pala kay Ojiro?” Tanong ni Hiro.
“Kasi, hindi na ito nakarating kay Ojiro. Matapos nun kasi hindi na sila nagkita pa..” Biglang lumungkot ang mukha ni Fujiko.
“H-hindi na sila nagkita? Pero bakit? Anong nangyari?” sunud-sunod kong tanong.
Umiling siya. “Hindi ko alam. Yun nga ang gusto kong malaman eh. Bakit sila nagkahiwalay? Bakit at paano sila namatay? Hay nakakalungkot no..”
Napabuntong hininga ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Nagkahiwalay sila noon na may hinagpis sa mga puso. Hindi nakarating ang sulat ni Empress Shouko kay Ojiro. Pero..ano tong nararamdaman ko? Naiiyak na ewan.
“Again, inuulit ko yung tanong. Paano napunta sa inyo yung sulat?” si Hiroshi ang nagsalita.
“Ang great great grandmother ko ang tagahatid ng mga mensahe ni Empress Shouko kay Ojiro noon. Siya si Saori Miyazaki, ang nag-iisang kaibigan at katulong ni Empress Shouko noon.” Sagot ni Fujiko.
“Oh my..” biglang sabi ko. “Great grandmom mo si Saori? Nakita ko siya sa hypnosis ko!”
“Talaga?” Manghang sabi ni Fujiko. “Nakita mo ang great great lola ko? Wow..”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.