~Yashiri’s POV~
Kanina ko pa hinahanap si Hiro dito sa loob ng palasyo pero hindi ko siya makita. Tumakas lang kasi ako kanina sa mga bodyguards ni Tito Tomoya. Gusto kong hanapin at sundan si Hiro eh..hindi ako mapakali na mag-isa lang siya. Baka kung anon a yung nangyari sa kanya.
Kung may mangyayari mang masama sa kanya, hindi ko kakayanin.
Hindi niya kilala ang kapangyarihan ni Priestess Yuki. Hindi ko pa man nakikita sa nakalipas kung ano pa ang mga kaya niyang gawin, alam kong hindi pangkaraniwan ang galing niya at maaaring mapahamak si Hiro. Iniisip ko rin si Toya…kailangan ko na silang makita!
Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay isang pasilyo ang nakapukaw ng atensyon ko. Napahinto ako. Pamilyar sakin ang lugar na ‘to.
“Parang…napuntahan ko na ang corridor na ‘to?”
Iniisip kong mabuti kung saan ko nga ba nakita ang pasilyo na to? Naglakad pa ko at ilang saglit pa ay may nakita akong hagdan pababa. Sa pinakailalim ng hagdan ay may isang lumang kwarto. Itinulak ko patagilid ang pintuan at nabuksan ko naman ito agad. Madilim ang paligid at panay lumang gamit ang nasa loob nito. Pinindot ko yung suot kong relo. G-Shock naman yung relo ko kaya may ilaw haha. Ito nalang magsisilbi kong liwanag sa madilim na kwartong ‘to.
“Alam ko na kung ano ang lugar na ito…espesyal ang lugar na to para sa’yo, hindi ba, Empress Shouko?” Bulong ko sa sarili ko. Napapikit ako habang inaalala ang mga sandaling yun..
“Mahal na mahal kita..at ang sakit sakit dahil napunta ka sa iba..”
“Sa’yo lang ang puso ko, Ojiro...ang sarili ko..ang buong pagkatao ko…”
“Hindi ba’t may nangyari na sa inyo ng Emperor?”
“Wala..walang nangyari. Iisang lalaki lang ang nais kong pag-alayan ng sarili ko..at ikaw yun..”
“Shouko..”
Dito sa lugar na to naglove making sina Empress Shouko at Ojiro. Dito nila binuo sina Crown Prince Takeru at Princess Tomoyo. Ano kayang itsura ng mga anak nila? Sana makita ko na sila kapag nakita ko na ulit yung past ko. Pakiramdam ko kasi mga anak na rin namin sila ni Hiro eh.
Kailan ko kaya ulit makikita ang nakaraan?
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
“Waaa..” Bigla akong napaupo sa sobrang pagkagulat. Nanlaki pa ang mga mata ko. “E-Empress S-Shouko..”
Nasa harapan ko na kasi si Empress Shouko. Nakatingin siya sakin.
Ikaw ba naman pakitaan ng multo sa isang madilim na lugar, hindi ka ba mapapaupo sa takot??? Lalo na at kamukha mo pa yung multo!
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.