~Yashiri’s POV~
“Are you ready?” Tanong sakin ni Hiroshi. Nasa loob kami ngayon ng kotse niya. Since hindi na makakasama si Ayame, mas mabuti daw na magsasakyan kami kesa magtren.
“Yes..” sagot ko. Ang gwapo lalo ni Hiroshi. Naka sunglasses at casual attire siya ngayon. Shet tulo na naman laway ko haha..
“Okay, pakisuot ang seatbelt and we’re off..” Ngunit bago ko makuha yung seatbelt, siya na ang unang nagsuot nito sakin kaya nagkadikit mga katawan namin. Hindi ko maiwasan na amuyin siya. Ang bango niya…hay.
Natauhan ako nang biglang kumatok si Lola Yumi sa bintana ko. Binuksan ko ito.
“Ishi, ingat kayo. Ikaw Hiroshi, paki ingatan tong apo ko ha..”
“Opo naman, Lola Yumi. Paki-asikaso nalang din po si Lola Kyoko habang wala ho ako..” sagot ni Hiroshi.
“Makakaasa ka sakin..O siya, umalis na kayo. Mag iingat kayo..”
“Bye Lola!” at kumaway ako sa lola ko. Nagsimula nang magdrive si Hiroshi. Mahaba habang drive din ito. Sinalpak ko na ang earphone ko sa tenga ko nang biglang tanggalin ito ni Hiroshi.
“Hey, bakit mo inalis?” reklamo ko.
“Kausapin mo ko para hindi ako mabore. Huwag kang magsoundtrip…” utos niya sakin.
“Tsss…ano namang sasabihin ko sa’yo?”
“Na crush na crush mo ko una mo palang akong makita hahaha..”
Namula naman ako sa sinabi ni Hiroshi. Uneasy na nga yung feeling ko dahil solo lang kami papunta sa malayong lugar tapos ganyan pa siya magbiro sakin.
“O ano, hindi ka na nakapagsalita diyan? Haha..to naman binibiro lang kita. Huwag kang pikon..” Bigla bigla, kinurot ni Hiroshi pisngi ko.
“Aray naman!”
“Ang cute cute mo kasi kapag napipikon ka haha..”
“Tsss…” Tama ba narinig ko, cute daw ako? Hahaha…matagal ko nang alam na cute ako haha..
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.