A/N: Hi guys! Alam ko hinihintay niyo ang POV ni Hiroshi. Meron na kasi si Makino at Toya, now, it's Hiroshi's time! This is his first POV. Hahaha enjoy guys! :)
****
Hiroshi’s POV:
“Nandito ako sa Chiba, hindi lang para samahan si Lola. I’m also here to investigate something that will help me earn the trust of my dad…and you, Yashiri Koizumi, is my only hope.” Kitang kita ko sa mukha ni Yashiri ang pagkabigla. Tama bang dito ko sabihin sa kanya ang lahat? Natapos na ang pagdadrama ko kanina. Masakit sakin na balikan ang nakaraan ko. Si Makino kasi eh, pinaalala pa ang tungkol sa pag-ibig. Love is just a four letter word para sakin ngayon.
“Bakit ako?” sabi ni Yashiri. Halatang naguguluhan siya. It’s now or never. Kailangan aminin ko na sa kanya ang lahat. Tutal, alam na naman niya ang puno’t dulo nito.
“Bakit ikaw? Hindi ko rin inaasahan na ikaw ang makakatulong sakin..” Totoo naman. Hindi ko talaga inakala na ang tulad niyang lampa at pikon ang susi para magawa ko ang mga plano ko dito sa Chiba.
“Anong ibig mong sabihin?”
Paano ko ba uumpisahan? Hmm..
“Ganito kasi yun. I told you before na I work for my dad as a photographer in our newspaper company, right?”
“Yes..and so?"
“That company was built by my Lolo Hotaru..asawa ni Lola Kyoko. At super mahalaga ito kay Lola. Kaso last three months, my dad decided to close the company dahil nalulugi na raw..mas gusto pa daw ng tao ngayon na magbasa ng balita sa intenet or manood sa TV kesa sa diyaryo. Kumontra ako agad sa dad ko dahil nga mahalaga yun kay Lola. Pero ang sabi ni Dad wala na rin daw mamamahala dito..”
Nakikinig lang si Yashiri sakin. Panay pa ang tango niya na parang ibig niyang sabihin ay ituloy ko lang ang paliwanag ko. “Then I said I can handle the company. Gusto kong makabawi sa daddy ko. Palalaguin ko yun ulit..but he declined. Wala na raw siyang tiwala sakin after what happened to me. I’m the worst daw. Pero pinaglaban ko yung gusto kong mangyari..for the sake of Lola Kyoko and the memories of my Lolo..”
“Ang sabi pa ni Dad, ipagkakatiwala lang daw niya sakin ang company kung magagawa ko ang imposible..”
“Imposible? Like what?”
“Ang pag-iimbestiga sa babaeng nagpaparamdam sa Inubosaki Lighthouse. 300 years na ang legend na yun..at walang makapagsabi kung sino yung babaeng yun..at kung sino ang hinihintay or hinahanap niya. Sinamantala ko na rin na nung nagkita tayo sa lighthouse, is the exact day ng pagiging 300 years nung legend, kaya nandun ako nung araw na yun. Kaso maagang nagsialisan yung mga tao at media dahil biglang lumakas yung hangin nung panahon na yun at malakas ang naging ulan. Nagulat nga ang lahat dahil summer na pero biglang umulan. Ako naman ay nagpatila lang ng ulan nun, at naglakas loob ako na bumalik sa lighthouse kahit ako nalang mag-isa nun, and then nakita nga kita nung araw na yun.”
“Huh, really? You’re here to investigate the legend?”
“Yes. Isang malaking story to para sa newspaper namin. At kapag nalaman ko ang detalye, makakagawa ako ng story na siyang magbabalik sa kasikatan ng newspaper company namin.. Buti nalang dito nakatira yung bestfriend ni Lola kaya binalak niyang magbakasyon..tinutulungan din niya ko na mag-investigate.. kaya lagi kaming wala sa bahay niyo. Marami na ang sumubok gumawa nun, kahit media..pero walang nagtagumpay. Panay haka haka lang naririnig nila..”
“You mean to say.. naniniwala ka sa alamat na yun? Na tagpuan ng soulmates ang lugar na ito?”
“Nung makilala kita, naniwala ako..”
Biglang namula si Yashiri. “Naniniwala ka na..na ako ang soulmate mo?”
Ah, kaya pala siya namula. Sa lighthouse kami unang nagkita, kaya inisip niya na baka ako soulmate niya. Pero wala sa isip ko ang mga yun, ang mahalaga sakin ay ang facts tungkol sa fictional legend ng mga taga dito.
“I’m trying to say, that time na makita kita sa lighthouse, nagsisimula na kong mag-investigate nun. I tried to capture photos, baka sakaling may makita akong kaluluwa or what..pero nang mahagip ng camera ko yung tuktok ng lighthouse, I saw you standing there like you’re gonna fall anytime…umiiyak ka pa nun..then when you answered na sinapian ka lang ata, nagsimula akong magtaka. And destiny brought us together again nung malaman kong apo ka ni Lola Yumi at magsasama tayo sa iisang bubong..”
“Then kinabukasan nun, niyaya kitang sumama ulit dun. Pero ayaw mo na. Parang takot na takot ka na. One week kang umiwas at tumanggi sa mga yaya ko sa’yo.. Nagtanong tanong ako sa mga kalapit na baryo pero ang tanging sinasabi nila sakin ay ang legend itself..walang identification nung babae..”
“Ano naman ang maitutulong ko sa’yo kung sakali?”
“Malaki, Yashiri!”
“Ha? Paano naman?”
“Napatunayan ko na makakatulong ka talaga sakin nung nakita kitang natutulog sa gilid ng lighthouse kagabi.. and nung magising ka, you said samahan kita sa masukal na daan, at nagtaka ka pa nga kung bakit dead end na yung lugar..sabi mo hindi naman yun dead end..at narealize ko na nagpunta ka beyond that area.. tapos sabi mo pa you finally saw her..the woman who always calls you kapag malapit ka sa lighthouse..”
Nanlaki ang mga mata ni Yashiri. Parang bigla siyang natakot.
“Tell me, anong nakita mo? Ano yung lagi mong naririnig? Anong itsura nung pinuntahan mo? Pati yung babae?”
“Wait, Hiroshi.. and dami mo namang tanong..”
“S-sorry..this is really important to me kasi..”
“I know..pero—“
“Napagtanto ko na nagpaparamdam sa’yo yung babae dun, and sa’yo lang siya nagpapakita.. kaya ikaw ang daan ko para malaman ang lahat..Will you help me?”
Yumuko si Yashiri at tila pinag-iisipan ang lahat. Sana pumayag siya. I’ll do anything para lang pumayag siya. Kaya naman pinapaamo ko siya para matupad ang ultimate goal ko.
***
~atserkeiram
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.