A/N: Another picture ni Toya sa gilid. I know, ang hot talaga ng lahat ng guys dito sa novel na to. Of course pati girls magaganda lahat. Maglalagay ba ko ng chaka? Hahaha.. :)
****
~Yashiri’s POV~
“Do you remember the first time na makita kita dito?” tanong sakin ni Hiroshi. Nasa tuktok kami ng lighthouse ngayon. Kitang kita ang buong Chiba at ang magandang karagatan. Maganda ang tanawin dito sa taas kapag umaga, pero para sakin, mas maganda pa rin kapag sunset.
“Oo naman. Ang weird kaya ng experience kong yun..” sagot ko.
“Do you mind if I start to ask you about THAT experience?” Inilabas ni Hiroshi yung cellphone niya at itinutok sakin.
“Kukuhaan mo pa ko ng video?? Bakit kailangan pa yan?”
“For documentation to. Hindi ko naman masasaulo lahat ng sasabihin mo eh..”
“Pero, ayoko niyan..”
“Sige na please?”
“Fine!”
“Okay, rolling na ko..”
Lumunok muna ako at huminga nang malalim.
“That time, kakarating lang namin ni Lola from Tokyo. Nagpasya akong matulog nun, then all of a sudden, nagising ako kasi may naririnig akong umiiyak…bigla nalang ako naglakad palabas ng bahay. After nun, nagulat nalang ako nandito na ko..umiiyak. Actually, ikaw pa nga ang nagpabalik sa diwa ko eh. Feeling ko lang kasi nun, lumulutang ako..”
“Really? Then?”
“Then, yung huling incident is yung nakita mo ko ulit dito, pero sa baba naman nitong lighthouse. Bago mangyari yun, nasa bahay pa kami ni Toya. Narinig ko na naman yung babae. Ojiro..Ojiro.. yan ang madalas kong marinig. Na parang hinahanap niya yung taong may pangalang Ojiro. Sinabi ni Toya na pumunta kami dito, baka daw kasi kaya nagpaparamdam sakin yung babae kasi may kailangan sakin.”
“Ojiro? Parang familiar…”
“Huh?”
“Ah..eh wala. Go on..”
“Nagpasya ako na puntahan na rin para matapos na yung creepy moments ko dito sa Chiba. Pero nung makarating kami ni Toya dito, parang may sariling isip na naman yung mga paa ko at nagpunta ako sa gitna ng gubat. Nagising lang diwa ko nung narinig ko pagsigaw ni Toya, hinahanap niya kasi ako. Babalik na sana ako sa pinanggalingan ko nang paglingon ko, isang sinaunang babae ang bumungad sakin.”
“Whoa! Sinaunang babae? Ano itsura niya?”
“She’s wearing a traditional kimono. Pero hindi ordinaryo. Makulay at mukhang mamahalin.. Para siyang prinsesa. Tapos naka belo siya kaya hindi ko nakita mukha niya..”
“Then? What happened after?”
Napakapit ako ng mahigpit sa railings ng lighthouse. Ang hirap kapag babalikan ko na naman yung naranasan ko dito. Nakakatakot talaga.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.