A/N: Intense ba ang last chapter? Nakakatakot kapag nag-ON ang mafia mode ni Hiro haha. Nagbalik nga ba si Hikari? Alamin sa mga susunod na chapters :)
Media: Picture ng grupong Limelight. Para lang makita niyo sila :)
***
~Hiroshi’s POV~
Siguradong matutuwa si Ishi sa regalo ko. Ang hirap niyang hanapin ha. Kung saan saan na ko nakarating. Ginabi na tuloy ako.
“O, Hiro bakit ngayon ka lang?” sabi sakin ni Lola Yumi.
“ May binili lang ho. Sila Ishi po?”
“Nandun na sa tabing dagat. Hala, pumunta ka na dun.”
“Sige po..”
“Ay, saglit lang, Hiro. Iniwan na ni Makino yung yukata mo sa kwarto mo. Isuot mo na muna yun bago ka umalis.”
“Okay po.”
***
“Aba, nag-uumpisa na palang kumanta ang grupo ni Maki..” sabi ko. Naglalakad na ko sa tabing dagat at sa malayo palang ay naririnig ko na yung kanta ni Satomi. Ang ganda ng boses niya. Hmm, si Ishi kaya maganda boses? Haha naisip ko bigla na sana maganda para kapag kinantahan niya ko, lalo akong maiinlove sa kanya.
Yes. Mahal ko na siya. Inaamin ko. Kaya this time na birthday niya, aamin na ko. Sabi nga ni Kenji, I need to make a move bago pa ko maunahan ni Toya. Nakakalamang pa naman si Toya.
Lahat ng tao nasa harap ng stage. Nakita ko sina Kenji na nasa bandang likuran. Tinapik ko siya sa balikat.
“Hey, nasan si Ishi?” tanong ko.
“Uy, bakit ngayon ka lang? Anak ng, iniwan mo ko sa booth!”
“Sorry pre, ano? Nasaan si Ishi?”
“Uh..” Nagpalingon lingon si Kenji. “Kanina lang katabi siya ni Seya..”
Lumapit ako kay Seya.
“Dude, nasaan si Ishi?”
Hindi ako pinansin ni Seya at titig na titig lang kay Satomi na kasalukuyang kumakanta.
“Dude?”
“Ha? Hiroshi! A-anong sabi mo?”
“Focus na focus ka kay Satomi ah. Haha sabi ko nasaan si Ishi?”
“Ah..nakita ko hinila siya ni Toya palayo dito. Tignan mo nalang diyan sa tabi tabi baka nandiyan lang sila..”
Bigla akong nakaramdam ng galit. Bakit naman kailangan pa ni Toya ilayo si Ishi? Hindi kaya…?
Tumakbo ako palayo kina Kenji at hinanap yung dalawa.
Baka naunahan na ko ni Toya!
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomansaThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.