Legend 27: "Hypnosis"

1.7K 26 64
                                    

~Yashiri’s POV~

Nasa ilalim ako ng cherry blossom tree kung saan yakap yakap ako ng isang lalaki. Hindi ko makita mukha niya. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya sakin kahit magkayakap lang kami. Ayoko siyang bitiwan dahil nakakaramdam ako ng takot na baka tuluyan na siyang mawala sakin. Maya maya, lumakas ang hangin at napapikit ako. Nagliparan yung mga bulaklak ng cherry blossoms sa paligid. Pagdilat ko, wala na yung lalaking walang mukha.

Isang panaginip lang pala.

Pero sino yung kayakap ko sa panaginip ko?

***

Napasarap ata tulog ko. Anong oras na ba? Bakit feeling ko may mabigat na bagay na nakadagan sa mga binti ko? Nangangalay ako eh. Kahit nakapikit ay pinilit kong gumalaw. Mabigat talaga. Ano ba tong nakapatong sakin? Bakal ba? Dahan dahan kong binuksan mga mata ko at natambad sakin ang isang gwapong nilalang. Pamilyar yung mga features niya…

Mahaba ang pilik mata.

Matangos ang ilong.

Mamula mula yung labi na masarap i-kiss. >.<

At nagniningning siya kasi natatamaan siya ng sikat ng araw..

Nasa langit na ba ko?

Pumikit ulit ako at pinilig ang aking ulo. Muli, binuksan yung mga mata ko. Baka naman nahihilo pa rin ako dahil sa sakit ko kagabi. Sa pagmulat ng mata ko, mukha ni Hiroshi nakita ko. Magkaharap kami at…teka?

BAKIT KAMI MAGKATABI SA KAMA? AT BAKIT SIYA NAKAYAKAP SAKIN??

“WAAAAAAAAAHHHH!” Tili ko. Naitulak ko si Hiroshi kaya naman nahulog siya sa sahig.

“Ouch! Anak ng—“

Napansin ko na half naked na siya dahil lumuwang yung suot niyang robe. Ilang beses ko na bang nakita yung katawan niya? Grabe ang hot lang talaga niya. Napatingin naman ako sa sarili ko. Shocks, onting onti nalang makikita na ni Hiroshi ang aking…dibdib. Kitang kita na yung cleavage ko! Maluwang na rin kasi yung robe dahil sa natulog ako. May kalakihan din naman kasi dibdib ko kahit 17 palang ako!At wala akong kahit na anong suot sa loob! Nasaan ba mga damit ko?

“ANONG GINAWA MO SAKIN? BAKIT GANITO ITSURA NATIN HA?” Sigaw ko kay Hiroshi.

Nagkamot ng ulo si Hiroshi. “Hindi mo ba matandaan nangyari satin kagabi?”

(O_O)

“M-may nangyari s-satin k-kagabi??” Bigla kong tinakpan ng kumot ang katawan ko. Bigla akong nilamig sa mga sinabi ni Hiroshi.

“Hay grabe ka nga eh, hindi mo talaga ako pinakawalan eh. Kaya no choice ako. Hindi ko akalain na aggressive ka pala..tsk tsk..” umiling iling pa siya.

Potek, siya pa no choice niyan ha? The nerve!

“HA? ANONG PINAGSASABI MO? LINAWIN MO NGA!” sigaw ko.

Bumangon na si Hiroshi at inayos yung robe niya. Sumampa siya ulit sa kama at lalapitan niya sana ako pero bigla akong lumayo.

“O, bakit ka lalapit? Dun ka nga! Huhu grabe pinagsamantalahan mo ko kagabi! Nakita mo na lahat sakin..I hate you! I hate you! Stay away from me you jerk! ” Naiiyak kong sabi.

“Oy, huwag ka ngang OA diyan. Titignan ko lang kung may lagnat ka pa. Pero mukhang din a kailangan, mukhang magaling ka na eh..”

“Titignan mo lang pala eh! Tingin lang wala nang hawak!”

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon