Legend 55: "Hoping..."

1.3K 21 4
                                    

A/N: Picture ni Ojiro at Shouko sa gilid.. :)

***

~Shouko’s POV~


“Saori..buksan mo ito..” sabi ko habang nasa pintuan ng kwarto ni Saori. Agad naman niyang binuksan ang pintuan.

“Lady Shouko? Malalim na ang gabi..bakit gising pa kayo?? Tuloy ka..”

Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at naupo sa kanyang kama. Sinindihan naman niya ang lampara dahil sobrang dilim na sa paligid ng kwarto.

“Saori..hindi ako magpapakasal sa lalaking yun. Ni hindi ko pa siya nakakausap ng higit sa limang minuto…ni wala akong pagmamahal sa kanya! Bakit ba ako ang napili niya!”

“Sabi ko na nga ba, may pagtingin siya sa inyo..hindi ako nagkamali sa mga tingin niya sa inyo..”

“Saori.. pakiusap..tulungan mo ko..ano ang dapat kong gawin? Kailangan magkita kami ni Ojiro sa lalong madaling panahon..”

“Ngunit paano kayo magkikita kung hindi ka naman maaaring umalis sa bahay na ito hangga’t hindi pa naililibing ang Emperor?”

“Maari bang..magtungo ka sa Kyoto, Saori?”

“Napakalayo ng Kyoto, Lady Shouko..aabutin ako ng ilang araw bago pa makarating doon..”

“Pakiusap..” Naiiyak ako. Wala akong magawa..gusto ko siyang makita!

“Hay..paano kung hanapin ako ni Madam Shizuka?”

“Magpaalam ka..sabihin mo may dadalawin ka lang.”

“Sino naman? Ang pamilya ko sa Echizen?”

[Note: Isa ang Echizen sa mga probinsyang bumubuo sa kung tawagin ngayon ay Fukui Prefecture. Ito ang northern part ng Fukui. Ang southern naman ay ang Wakasa. Noon kasi ay wala pa ang Fukui Prefecture at nagkaroon lamang ito noong 1871. ]

“Oo tama! Uuwi ka sa probinsya niyo sa Echizen para dalawin sila! Pakiusap, Saori. Tulungan mo ako. Kailangan kong makita si Ojiro..bago pa man..bago pa man mahuli ang lahat..” Niyakap ko si Saori. Siya lang ang tanging pag-asa ko.

“Tumahan ka na, Shouko-sama..O sige tutulungan na kita. Gumawa ka ng liham kay Ojiro at iaabot ko ito sa kanya. Bukas na bukas rin ay tutungo ako sa palasyo para hanapin siya..”

“Talaga, Saori??? Maraming salamat! Isa ka talagang mabuting kaibigan!!”

Bumalik ako sa aking silid ng may ngiti sa mga labi. Gumawa ako ng liham kay Ojiro at si Saori na ang bahalang mag-abot nito sa kanya. Sinabi ko sa sulat na magkita kami sa burol. Malamang, alam na rin niya na ako ang susunod na Empress. Malamang ay nais din niya akong makausap. Sa ganap na alas sais ng gabi, makalipas ang isang linggo, ay magkikita kami ni Ojiro. At kapag nagkita na kami’y yayayain ko na siyang lumayo sa lugar na ito..

***

~Saori’s POV~

Apat na araw na akong naglalakbay, makarating lang sa Kyoto. At sa wakas, nakarating na rin ako sa palasyo. Awang awa ako sa aking kaibigan at ayoko siyang nakikitang umiiyak, kaya sinunod ko ang nais niya. Mabuti na lamang at pinayagan ako ni Madam Shizuka na umalis. Ang akala niya’y sa Echizen ako tutungo para bisitahin ang aking mga magulang.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon