Tokyo, Japan: July / Summer 2007
Heto na naman sila..
Gabi gabi na naman silang nag-aaway..
Awat na please?
"Hindi ko na talaga matiis 'to. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sumbatan at pagtatalo lagi kong naririnig sa bahay na 'to. Nakakapagod na..."
Mariin kong isinara yung pintuan ko. Saglit akong pumikit habang nakasandal ako sa may pintuan. Hindi ko na talaga kaya yung mga naririnig ko. Hanggang dito sa second floor ay naririnig ko yung sigawan ng mga magulang ko mula sa ibaba. Muli akong dumilat at naglakad ako papunta sa kama ko.
Dahan dahan akong humiga sa kama at tinitigan ko yung kisame. Parang pakiramdam ko pagod na pagod ako galing sa school.
"Yashiri-chan?"
[Note: chan (~ちゃん) is often attached to children's names when calling them by their given names. It can also be attached to kinship terms in a childish language.]
Napalingon ako sa may pinto. Nakabukas na pala ito at nakadungaw ang lola ko, si Lola Yumi.
"Bakit po Lola?" sabi ko. Mula sa pagkakahiga ko sa kama ko ay agad akong umupo nang makita ko si Lola Yumi. Nakita ko na may hawak siyang tray na may pagkain sa ibabaw nito.
"Ito na yung pagkain mo, Ishi-chan. Mukhang hindi ka na naman makakakain ng hapunan eh. Baka magkasakit ka..."
Tuluyan nang nakapasok sa kwarto ko si Lola at ipinatong yung tray sa side table ko. Matapos nun ay agad siyang naupo sa tabi ko.
"Hay. Kahit ako na lola mo ay walang magawa sa mga magulang mo..." sabi ni Lola. Halata sa itsura niya ang sobrang pagkalungkot.
"Sanay na ho ako, Lola.." bumuntong hininga ako. Super lalim. Kaya na ngang butasin yung sahig sa lalim.
Hinawakan ni Lola ang mga kamay ko ng mahigpit. Alam niya kasi yung nararamdaman ko ngayon. Mabuti nga ngayon, hindi na ako iyakin. Since ten years old palang ako ay ganyan na lagi sina Mommy at Daddy. Ngayon ay seventeen years old na ako. Pitong taon ko na pala silang tinitiis.
Immune na immune na ako sa mga magulang ko. Hindi na ako iiyak. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Feeling ko mag-isa lang ako. Si Kuya Eitaro kasi may trabaho na sa airline at bihira na rin umuwi dito sa bahay. Si Yuu-kun naman nakatira sa isang dorm malapit sa school niya. Kami nalang ni Lola Yumi ang madalas magkita dito sa bahay.
"Huwag mong pigilan, Ishi. Kung masama ang loob mo, ilabas mo lang..." sabi ni Lola. Ishi ang madalas itawag sakin ng mga taong malalapit sakin dahil yun ang nickname ko. Nung sinabi niyang huwag kong pigilan, hindi ko na talaga napigilan yung luha ko. Yumakap na ako sa lola ko at umiyak. Hinagod hagod niya naman yung likod ko.
"May sasabihin ako sa'yo..." sabi ni Lola habang yakap niya ako.
Humarap ako sa lola ko at pinahid yung luha ko. "Ano po iyon?"
"Gusto mo bang gumaan yung pakiramdam mo?"
"Opo naman..."
"Puntahan mo yung lighthouse na malapit sa bahay natin sa Chiba."
Kumunot yung noo ko.
"Ho?" sabi ko.
"Gagaan pakiramdam mo dun, lalo na kapag nakita mo na yung sunset. Dun kasi yung tagpuan namin ng lolo mo noon. Tagpuan daw ng mga nagmamahalan ang lugar na iyon..."
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomansaThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.