~Hiroshi's POV~
"Mukhang gulat na gulat ka ata?" narinig kong sabi ni Black Eagle sakin.
"Ikaw ba ang-"
"Oo ako nga. Ako ang may pakana ng lahat ng ito.."
"Why? Why are you doing this kind of sh*t??"
"Why? Hmmm..sa tingin mo bakit kaya?"
Hindi ko makita ang ekpresyon ng mukha niya dahil nakasuot siya ng maskara. Kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang mukha niya.
Itinapon niya yung tabako na hawak niya. Nagsimula itong maglakad palapit sakin.
"Natanong mo kung bakit?" sabi nito nang makarating na siya sa harap ko. "Ito ang tanging paraan para magkita tayong muli.."
"Para saan pa? Matagal na kong tumiwalag sa grupo! Pumayag ka pa nga na umalis ako!"
"Tumiwalag? Sino bang may sabi sa'yo na pumayag akong umalis ka ng basta basta?? HAHAHA..wala akong matandaan na pinayagan kita. Hindi ako sumagot noon nung sinabi mong magbabagong buhay ka na.."
Kumunot yung noo ko. Bigla naman niyang sinakal yung leeg ko at inilapit niya yung mukha niyang nababalutan ng maskara sakin.
"Ugh.." Hindi ako makahinga sa higpit ng pagkakasakal niya sakin.
"Hiroshi, halos lahat ng sikreto ng mafia natin ay alam mo. Mula sa mga iligal na transaksyon gaya ng droga hanggang sa bentahan ng mga internal organs at mga babae ay alam na alam mo..sa tingin mo ba, basta basta nalang kita papakawalan, hmmm??"
"Ugh..ahhh.." hinawakan ko yung dalawang kamay niya na nakahawak sa leeg ko. Pilit ko itong tinatanggal.
Marahas niyang binitawan yung leeg ko. Napaluhod naman ako para sumagap ng hangin. Ubo ako ng ubo. Lumuhod din siya sabay hinatak pataas yung buhok ko.
"Tandaan mo, hindi ka na makakawala ngayon.." sabi nito sakin.
"K-Kung g-ganun..b-bakit pinatagal mo pa? B-Bakit noon, hindi mo nalang ako pinapatay?? Alam mong kilalang kilala ang pamilya namin, madali mo kong mahahanap!"
"Pinatagal ko dahil pinagplanuhan kong mabuti ang pagpapabagsak sa'yo...at sa buong pamilya mo. Lalong lalo na sa tatay mo!"
"T-Tatay ko? Ano naman ang kinalaman ng tatay ko dito???"
"Malaki, Hiroshi..napakalaki!"
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Black Eagle.
"Bakit kailangan madamay si Yashiri dito??" Sabi ko.
"Siya ang kahinaan mo sa ngayon at sa tingin ko, ang babaeng yan ang buhay mo. Mas masarap ang paghihiganti ko kapag siya ang una kong gagamitin laban sa'yo..ikaw ang uunahin ko sa mapagmataas mong pamilya!"
"Anong paghihiganti sinasabi mo? Wala akong kasalanan sa'yo! Lahat ng pinapagawa mo noon, ginawa ko! Naging maunlad ang mafia mo nang dahil sakin! Kinatakutan ang grupo natin dahil sakin!"
"HAHAHAH.." Binitawan ni Black Eagle yung buhok ko at tumayo siya. "Tama ka. Malaki ang naging partisipasyon mo sa mafia. Ginamit kita..para lalong masira buhay mo. Para mag-away kayo ng tatay mo..at para tuluyang bumagsak negosyo niyo.."
"Kaano-ano mo ang tatay ko? Bakit ganun nalang ang galit mo sa kanya? Sa pamilya namin???"
Teka. Parang may mali ata dito?
Ang alam ko, ang dahilan kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon ngayon ni Ishi ay dahil sa pag-alis ko sa mafia noon. Tama siya, marami akong alam tungkol sa underground world. Kung ako rin yung pinuno ng mafia, mababahala ako. Pero bakit mukhang may malaki pang dahilan maliban dun? Nararamdaman kong malaki ang galit niya sa pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomansaThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.