Legend 75: "Complications"

1.1K 19 5
                                    

~Yashiri's POV~

Natapos ang weekends pero hindi talaga nagpaparamdam sakin si Hiro my labs. Noong una kasi nagri-ring pa naman yung phone niya pero simula kahapon, nakapatay na cellphone niya. I'm starting to get worried. Tinawagan ko si Kenji kahapon pero ang sinabi niya lang sakin ay hayaan nalang muna si Hiro na mag-isip isip. Nung tinanong ko naman siya kung bakit, hindi siya makasagot agad at narinig ko mula sa background yung boses ni Ate Fujiko. Parang magkasama ata sila kahapon at parang nag-aasaran pa sila. Nakabalik na pala dito sa Tokyo si Ate Fujiko. Hmmm...mukhang may hindi ako alam sa dalawang yun ah.

"Papasok na po ako sa school, Lola.." paalam ko sa lola ko. Sinuot ko na yung sapatos ko. Nilapitan naman ako ni Lola.

"Ingat ka. Siya nga pala, nakita daw ni Ayame to sa mga gamit mo.."

Ipinakita sakin ni Lola yung panyo na ibinurda niya para sakin.

"Bakit panay dugo to?" sabi ni Lola na parang naiinis.

Nakalimutan ko nga palang labhan yung panyo! Ipinunas kasi ni Hiro yun sa ilong niya nung unang pagkikita namin. Ibinalik niya yun sakin ng hindi pa nilalabhan at itinago ko naman ito sa mga gamit ko.

"Ugh..lola...kasi.."

"I'm waiting for your explanation. Mukhang matagal na to sa gamit mo ah.."

"Kasi po..." Bigla kong hinalikan sa pisngi si lola. "Mamaya ko nalang po papaliwanag. Late na po ako sa school.."

Nagmamadali akong lumabas sa bahay namin. Narinig kong sinigawan ako ni Lola pero hindi ko nalang pinansin. Agad akong sumakay sa sasakyan namin at hinatid na ko ng driver ko sa school namin. Nang makapasok ako sa gate ng school namin, ang weird ng pakiramdam ko. Parang lahat ng tao, sa akin lang nakatingin. Nakita ko si Sumire na dumating na at kakababa lang sa sasakyan nila.

"Sumire..good morning.." bati ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at hindi ako binati. Dirediretso lang siyang naglakad. Sa kabilang side naman, bumaba si Toya. Nakalimutan ko nga palang nasa iisang bahay lang sila nakatira at mag-fiance sila kaya sabay silang pumasok. Napatingin naman si Toya sa papalayong si Sumire.

Nang makita ko si Toya, bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Naalala ko na naman kasi bigla yung paghalik niya sakin nung huli kaming magkita.

Nilapitan naman niya ko. "Good morning, Ishi.."

Hindi ako makatingin kay Toya. Biglang nagbell. Ibig sabihin time na para sa unang klase ko. Classmate ko pa naman si Sumire sa Ecology class.

"Naku, I better go." Sabi ko at nagsimula na kong maglakad para maiwasan si Toya. Narinig ko naman na tinawag niya ko pero di ko na siya nililingon. Mabuti na yung ganito. Iwasan ko na siya.

"Maniwala ka sa sinabi ni Lola, Ishi. Isa siyang mahusay na priestess gaya ng mga ninuno namin. Kahit na ano pang iwas mo..sa kanya ka pa rin mapupunta... kung ikaw si Shouko..at si Sir Toya si Ojiro..malamang sa bandang huli..kayo pa ring dalawa.."

Habang paakyat ako ng hagdan, naalala ko yung mga sinabi sakin ni Ayame. Ibig bang sabihin, kahit na anong iwas ko sa kanya, baliwala pa rin? Eh kung makipagtanan nalang kaya ako kay Hiroshi? Magpabuntis nalang kaya ako sa kanya? Pakasalanan ko nalang kaya siya?? Makakaiwas pa rin ba ko sa reincarnated Ojiro sa panahong ito?

Napahinto ako sa paglalakad. Ano ba tong naiisip ko...

"You better get inside your room...baka maunahan pa kita.."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko yung professor ko. Saglit akong nataranta.

"Naku, Sir..aakyat na po.." Napatakbo akong bigla. Saglit kong nakalimutan yung problema ko. Ang rule kasi, kapag naunahan ka ng professor mo, ibig sabihin nun late ka na. I-lolock na ng mga professor yung pinto at hindi ka na makakapasok. Minus points pa yun sa grades mo. Kahit naman ganito ako, ayoko namang mapabayaan pag-aaral ko.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon