Legend 100: "Eternal and One"

1.5K 23 30
                                    

[Last Chapter for Book One]

~Yashiri’s POV~

 

“Ishi, let’s go?”

Napalingon ako kay Hiro. Parehas kaming nakasuot ng all black na damit. Sa loob ng damit ni Hiro ay panay bandage. Ang dami niya kasing hiwa pero pagaling na naman ito.

One hour ago kasi, inilibing na sina Lola Yura at Ayame dito sa likod ng Rozan-Ji temple. Ako nalang kasi ang naiwan at lahat ng nakipaglibing ay umalis na. Si Ayu naman ay nakatulog na sa kakaiyak at nasa loob ng kotse ni Lola Yumi. Nauna na silang umuwi sa Chiba. Inampon na ni Lola Yumi si Ayu dahil wala na itong pamilya. Pinatira na siya sa ancestral house namin sa Chiba. Dun nalang daw muna sila ni Ayu dahil maganda ang paligid dun. Kailangan daw ni Ayu ng sariwang hangin mula sa dagat para mas gumaan ang pakiramdam nito.

Nakakaawa si Ayu. In an instant, nawalan siya ng pamilya. Siya nalang ang natitirang priestess ng Imperial Family. Nalaman ng mga tauhan ng Imperial Family ang nangyari sa Kyoto Imperial Palace. Nais nilang kunin si Ayu pero hindi ako pumayag. Tinanong nila kami kung ano ba ang totoong nangyari pero hindi ko sinabi ang lahat. Sinabi ko lang na sinapian ng masamang espiritu si Ayame at dinakip nito si Toya. Iimbestigahan daw nila ang mga nangyari pero sinabi ko nalang na hindi na kailangan. Baka may malaman pa sila.

Matapos ang insidenteng yun ay agad akong pinuntahan ni Crown Prince Yoichiro sa ospital. Nakadisguise siya ulit. Hindi naman hinayaan ni Hiro na makalapit ng bongga sakin ang prinsipe. At habang kinukumusta niya ko ay bantay sarado samin si Fujiko. Halata ko namang naiinis ang prinsipe pero hinayaan nalang niya si Fujiko. Ang hindi niya alam ay kamag-anak niya si Fujiko. Na pwede rin maging isang prinsesa si Fujiko.

Isang linggo na yung lumipas matapos ang insidente sa Kyoto Imperial Palace. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko.

“Hiro…why do they have to sacrifice their lives?” 

Nilapitan naman ako ni Hiro. “I don’t know either. Maybe that’s their fate..”

“You know what… I’m really scared…”

Hinawakan niya ko sa isa kong kamay. “Scared of what?”

“Hindi kasi natin nalaman kung sino siya. Ang babaeng yun. Someday, babalik siya para guluhin tayo ulit..”

Bigla naman akong niyakap ni Hiro. “Takot din ako. But for some reason, naniniwala akong kahit na anong mangyari, hindi tayo magkakahiwalay. As long as we are together, that woman will never succeed with her evil plans..”

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon