Legend 44: "Scared To Death"

1.4K 23 15
                                    

A/N: Hellowwww people! Namiss niyo ba si Hiro at Ishi? hehe grabe ang drama lang last chapter ni Sumire ha. Ano kaya ang masamang plano niya kay Yashiri! nakakaloka siya! Nasaan na kaya si Toya? Hmmm..

Media: Picture ni Dr. Misao sa gilid. Ganda no hehe :)

***

~Misao’s POV~

“I consider this as a secret case..” sabi ko kay Yashiri at Hiroshi. Nakaupo na ko sa desk ko at nasa harap ko silang dalawa habang nakaupo. Si Kenji naman ay nakatayo sa likod ni Hiroshi, si Fujiko naman ay nasa couch, tila nag-iisip.

“Secret case?” sabi ni Hiroshi.

“Well, kaya ko nasabing secret case dahil si Empress Shouko ay part ng Royal Family noon. At existing pa rin until now ang monarchy dito sa Japan. Once na malaman ng ibang tao na si Empress Shouko ang nagpaparamdam sa Inubosaki Lighthouse, at si Yashiri ang reincarnation nito, pagkakaguluhan kayo ng media. At kung malalaman ng Imperial Family ito, baka magkagulo.”

“Tama si Doc Misao.” Biglang sabi ni Fujiko. Lumapit na siya samin. Nakatayo naman siya sa likod ni Yashiri. “Mahirap kapag nakarating sa Imperial Family ang nangyayari sa inyo ngayon..”

“So, dapat pa ba nating ituloy ang investigation natin, Hiro?” sabi ni Kenji kay Hiroshi.

“Anong investigation?” sabi ko.

Napatingin naman sakin si Hiroshi. “We..uhm..paano ko ba uumpisahan?”

“Ako na magsasabi, pre..” sabi ni Kenji. “Ganito kasi yan, Doc. Si Hiroshi ay anak ng isang kilalang businessman dito satin. They own Ueda Publishing. Nanganganib nang mapasara yung company for some bullshit reasons.”

“Wow, Kenny. Kailangan talaga may mura?” sabi ni Fujiko.

“Shut up. Hindi ikaw kausap ko, Hello Kitty..” sabi ni Kenji.

“H-Hello K-Kitty?” sabay naming sabi nina Yashiri at Hiroshi. Lahat kami nakakunot noo kay Fujiko.

“HAHAHAHA…” tawa ni Fujiko. “Huwag niyong pansinin tong si Kenny haha..”

“Tss…anyway..ayun nga, malapit nang mapasara. Ayaw naman ipaubaya ni Uncle kay Hiroshi yung company dahil wala siyang tiwala sa anak niya dahil sa nangyari sa past. Si Makino, busy sa singing career niya at babae yun. Lalaki dapat ang tagapagmana..” pagpapatuloy ni Kenji.

“Makino who? Singing career?” Naguguluhan kong sabi.

“Makino Ueda. Jpop singer..now a member of JPOP Group na Limelight..” sabi ni Yashiri. “Grabe idol ko kaya sila..”

“Wow, grabe hindi ka lang pala mayaman, may kapatid ka pang sikat!” Bigla akong napatayo sa upuan ko at pinuntahan si Hiroshi. “Akin ka na lang please??”

Niyakap ko siya bigla. Hindi ko maiwasan, ang gwapo naman kasi eh! Ang bango pa. Hay, Hiroshi! :)

“Doc Misao?” sabi ni Hiroshi. “Do you mind? Ano kasi…” Mukhang hindi komportable si Hiroshi sa yakap ko.

“Fujiko-san, ilayo mo nga ako dito baka makaputol ako ng kamay..” sabi ni Yashiri.

“HAHAHA..” tawa na naman si Fujiko. Ang jolly lang talaga niya. “Patay, bitaw na doc. Haha..”

“At bakit ko naman gagawin yun?” sabi ko. Hindi ko pa rin binibitawan si Hiroshi. Lalo ko pang hinigpitan yakap ko.


Oo nga at 28 na ko, pero ang ganda ko kaya! Haha baby looking! Kahit 23 lang si Hiroshi pwede na. Patok rin naman na mas matanda ang mga babae pagdating sa isang relasyon haha.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon