Legend 33: "Sumire's Dark Secret"

1.4K 19 19
                                    

A/N: Kinilig ba kayo sa last chapter? Ayieee sa wakas mag-on na sina Ishi at Hiro. YashiHiro love team! Haha. Ang chapter na to ang revelation kung sino ba talaga si Sumire, so this is Sumire's Arc. Enjoy! :)

***

~Yashiri’s POV~

            Hindi ako makatulog. Nakatulala lang ako. Grabe malalim na ang gabi, Ishi. Kailangan mo ng matulog para mapreserve ang beautiful face mo. Tapos na ang summer festival. Natapos naman ang birthday ko ng may ngiti sa mga labi! HAHA. Para akong nasa cloud nine. Mahal ako ni Hiroshi! Kami na ni Hiroshi! Hindi ako makapaniwala! Sobrang kinikilig ako! >.<

Pero sa way ng pag-amin niya sakin, parang narinig ko na ata yung mga linya niya?

             “Ikaw ang buhay ko..Shouko-sama..”

            “Mahal kita, Ojiro. Masaya ako at sinabi mo sakin ang nararamdaman mo. At pakiusap…Shouko nalang ang itawag mo sakin..”

            “Masusunod, aking prinsesa..”

            Kay Ojiro. Tama. Nung nagpahypnosis ako yan yung eksena ng confession niya kay Empress Shouko. Bakit parehas sila halos ng mga sinabi? Hindi kaya? Hmmm..hindi Ishi. Nagkataon lang yun. Walang ibig sabihin yun.

            Nang makabalik kami dito sa bahay kanina, galit na galit si Lola Kyoko kay Hiroshi. Buti nalang hindi ito sinumpong ng sakit niya. Sina Toya at Sumire naman ay umalis na. Mahirap na baka magclash na naman sila ni Hiro dahil nasa iisang bahay lang kaming lahat.

            Ayokong husgahan ang bestfriend ko sa nangyari kanina. Kailangan marinig ko muna yung side niya. Mas nangibabaw kasi sakin kanina yung selos kay Sumire sa pag-aakalang siya si Hikari. At nang dahil sa babaeng yun, bumalik ang pagiging mafia ng Hiro my Labs ko.

            Wait? Anong tinawag ko kay Hiroshi?

            Hiro my Labs?

            HAHAHAHA. Kapag narinig ni Hiroshi to ano kaya magiging reaction niya? HAHAHA.. hay ang saya ko. Sana hindi na matapos tong kaligayahang nararamdaman ko!

            Wala pang nakakaalam sa estado ng relasyon namin. Sinabi ko kasi kay Hiro na isekreto muna dahil mahihirapan akong mag explain sa mga kapatid ko lalo na sa lola ko. Ang sabi naman niya, mahirap daw yun. Pero dahil naiintindihan niya ko, susundin niya daw ako. Para saan daw at naging prinsesa niya ko di ba? Wahaha ang ganda ko lang!

            Hay, I can’t wait for tomorrow. Sana siya agad makita ko pagkagising ko. <3

***

~Toya’s POV~

            “A-aray..dahan dahan naman!” reklamo ko kay Sumire. Nakabalik na kami ngayon sa bahay namin. Tulog na ang lahat. Buti naman at wala ang mommy at daddy ko na magtatanong bakit ganito yung mukha ko.

            “Huwag ka kasing malikot..” sabi ni Sumire. Ginagamot niya yung mga sugat ko sa mukha dito sa kwarto ko. “That bastard! Pinutok talaga niya labi mo..at muntik na niyang masira yung gwapo mong mukha..” Galit na parang maiiyak na sabi ni Sumire.

            Nakatingin lang ako sa kanya. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya.

            “Sumire..”

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon