Legend 83: "To Make Things Right"

941 17 5
                                    

~Toya’s POV~

 

“Kahit onti lang..mahalin mo rin sana ako..Huwag mo ng ipilit sarili mo kay Yashiri, dahil kitang kita mo naman at ramdam na ramdam mo na kahit kailan, hindi niya ibabalik sa’yo yung feelings mo..”

Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga huling sinabi ni Sumire kanina bago ko siya yakapin at pakalmahin. Mahal niya ko at dahil sa pagmamahal niyang yun, nakakapagsalita siya at nakakagawa siya ng mga bagay na mali. Hanggang sa may tumawag sa kanya at nagmamadali siyang umalis sa school namin. Umuwi tuloy akong mag-isa dito sa bahay.

 Tama naman siya.

Mukhang hindi naman maibabalik sakin yung feelings na binibigay ko kay Ishi. Kaibigan lang talaga tingin niya sakin. Si Sumire ba ang makakapagpamulat sa isipan ko? Hindi ko naman siya mahal at ayokong pilitin na mahalin siya dahil sa awa.

Mahal na mahal ko si Ishi.

Tadhana na mismo ang nagdikta na kami ang para sa isa't isa.

Ako si Ojiro Fujisaki.

Siya si Shouko Tsuchida.

Kami naman talaga dapat sa bandang huli di ba?

Mula sa pagkakahiga sa kama ko ay bumangon ako. Gabi na pala. Nakauwi na kaya si Ishi sa bahay nila? Nasa Tokyo Imperial Palace pa rin kaya siya? Pinagkakaguluhan pa rin ba kaya sila ng media?

Mabuti pa tawagan ko na siya.

Nang aabutin ko na yung cellphone ko sa ibabaw ng study table ko para tawagan si Ishi, bigla naman itong nagvibrate. Kaya naman agad kong sinagot yung tawag.

“Hello?”

***

 

~Sumire’s POV~

“Ate, aalis na ba tayo sa bahay na to?”

“Oo, Sumire-chan. Aalis na tayo. Dun na tayo titira sa malaking bahay. Magiging prinsesa ka na dun..”

“Kasama natin si Mama?” Excited kong sabi.

“Oo naman. Sama sama tayong titira dun.”

Nginitian ako ni Ate habang abala siya sa pag-aayos ng mga damit namin. Si Mama naman ay ganun din. Napatingin naman ako sa paligid ko. Aalis na kami sa maliit na bahay na to. Hindi na kami magdudusa.

Maya maya ay pinasok na kami ni Mama sa loob ng kuwarto namin ni Ate.

“Tapos na ba kayong mag-ayos?” sabi ni Mama.

“Opo, Mama.” Sabi ko. “Ikaw Ate?”

Napatingin naman sakin si Ate Setsuna. “Oo..”

“Tayo na. Nasa labas na si Soichiro..” sabi ni Mama.

Isinuot sakin ni Ate yung isa backpack. Binuhat naman niya yung isang malaking maleta.

“Let's go?” sabi ni Ate habang ang isa niyang kamay ay nakalahad sakin.

Iniabot ko naman yung kamay niya. “Tara, ate!”

At sa paglabas namin ng pinto, nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Gwapo siya at nakangiti samin.

“Ikaw na ba ang bago naming Papa?” sabi ko.

Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon