~Hiroshi’s POV~
“Saan tayo pupunta, Hiro my labs?” sabi sakin ni Ishi. Hinila ko nalang kasi siya basta palabas ng bahay at ngayon naglalakad na kami. Well, yeah, Hiro my labs ang tawag niya sakin. Kung sa iba corny yun, sakin hindi. Nung una niyang binanggit sakin yun medyo nawirduhan ako. Todo explain pa siya sakin na yun daw ang uso ngayon. Pinagbigyan ko siya, cute rin naman eh. ^^
“Sa library, prinsesa ko.” Sabi ko. Yup, yun ang tawag ko sa kanya. Baduy ba? Haha pero trip ko talaga yun. Gagawin ko kasi siyang prinsesa ng buhay ko eh. Ang cheesy haha.
Dalawang linggo na ang lumipas mula nung birthday niya. Two weeks na rin kaming couple. Kaya kami babalik sa library ngayon kasi ibabalik ko yung hiniram kong libro dati. Yung tungkol kay Empress Shouko. Naisipan namin na mag commute ngayon. Mas gusto ko yun para mas mahabang oras ko siyang makakasama. Kasi naman sa bahay nila, limitado lang mga galaw namin. Baka makahalata mga lola namin.
Ayoko namang pilitin si Ishi na aminin na sa mga lola namin. Iniiwasan ko ring isipin na kinakahiya niya ko. Kailangan magtiwala ako sa kanya. May right timing daw para dun.
“Bakit tayo pupunta dun?” Malapit na kami sa sakayan ng bus. Magkaholding hands kami.
“Ibabalik ko to..” Tinuro ko yung paperbag na hawak ko. "The book I borrowed.."
“Ah..ang tagal na niyan ha. Patay ka sa librarian..” Pananakot niya. Dumating na yung bus papunta sa bayan at sumakay kami. Magkatabi kaming umupo. Buti wala masyadong tao.
“Hindi yun. Ngitian ko lang yun mawawala galit nun hehe..”
Biglang binitawan ni Ishi yung kamay ko at humarap sa bintana ng bus.
“O bakit?”
“Hmp. Ewan ko sa’yo.”
Ah, okay. Nabanggit ko bang gaya ko eh selosa rin ang prinsesa ko? Haha. Okay, kailangan ko na naman siyang amuhin.
“Prinsesa ko, huwag ka ng magselos. Wala pa ngang nangyayari eh.”
“Basta ayoko na nagpapacute ka kung kani-kanino. Gusto mo ba gawin ko din yun sa’yo?”
“Hindi siyempre.” Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ang hirap paamuhin ng mga babae. Mamaya ice cream lang katapat ni Ishi. Hehe.
“Yun naman pala eh. Ako nalang magbabalik niyan.” Inagaw niya sakin yung paperbag.
Muli kong kinuha yung paperbag. “To naman, okay sige. Ikaw magbabalik, pero ako muna magdadala nito. Medyo mabigat eh.” Inakbayan ko siya.
“Okay..basta ha. Dun ka lang mamaya sa may pinto ng library..”
“HAHAHA.” Hinalikan ko siya sa pisngi. “Ang cute mo talaga magselos..”
“Hmp. Ang hirap ng may boyfriend na gwapo..tss..”
“Ang hirap din naman ng may girlfriend na maganda eh..”
“Ako? Maganda?”
“Oo naman. Super. Mala-diyosa..”
“Ang bolero mo naman, Hiro my labs eh..”
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
عاطفيةThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.