A/N: Picture ni Yashiri sa gilid. She's so kawaii (cute) :)
***
~Yashiri’s POV~
"Ano kayang meron sa lighthouse na yun?” nagsasalita akong mag-isa ngayon. Sinisilip ko kasi yung lighthouse ngayong gabi mula dito sa bintana ng kwarto ko. Sobrang liwanag niya, guide kasi yun ng mga taong nasa dagat kapag gabi.
“Paano kaya ako napunta dun? Ang huli kong natatandaan sinundan ko lang naman yung…”
YUNG BOSES NG BABAENG UMIIYAK.
Biglang nagtayuan lahat ng buhok ko sa katawan! Nakakatakot naman kasi!
“Creepy. Sinundan ko nga pala yung boses ng babae nang hindi ko namamalayan! Who’s Ojiro anyway?” Gusto ko na munang makalimutan ang insidenteng yun ng buhay ko. Isang linggo ko din iniwasan ang lighthouse na yun. Kahit nung isang araw niyaya ako nina Lola at Hiroshi na bumalik dun pero todo tanggi talaga ako sa kanila. Si Hiroshi madalas naman umaalis, akala ko ba sinasamahan niya Lola niya dito? Hmp, ano bang pakialam ko sa kanya.
Biglang may kumakatok sa pinto. “Yashiri-ojou sama? Ito na po gatas niyo.”
[Note: Ojou-sama - Literally, a formal Japanese word for "young lady", the term Ojou (often Ojou-san or Ojou-sama, as they are the more formal honorifics) is typically used in anime when referring to wealthy, high-class female characters. This term should not be confused with Oujo, which means "princess" (literally "lord's daughter").]
Pumunta ako sa pintuan para buksan yung pintuan.
“Ah ikaw pala Ayame-san, tuloy ka.” Sabi ko kay Ayame. Si Ayame ay isa sa mga maid ni Lola dito sa ancestral house niya. Pinag-aaral siya ni Lola kaya ang kapalit nito ay maninilbihan siya sa bahay. Isang linggo pa lang ako sa bahay na ‘to pero ang gaan na ng loob ko sa kanya. Pwede ko siguro siyang maging kaibigan.
Pumasok na sa loob ng kwarto ko si Ayame dala ang mainit kong gatas.
“Salamat.” Inabot niya sa akin yung gatas. “Buti nalang binigyan mo ko nito, hindi kasi ako makatulog.”
“Baka kasi may nag-iisip sa inyo kaya hindi kayo makatulog, Yashiri-ojousama.”
May nag-iisip sakin? Sino naman kaya? Sana si Toya. Speaking of Toya, isang linggo na kaming ‘di nagkakatext at tawagan ah? So I decided na lumabas ng bahay para maghanap ng signal.
“Ayame-san, lalabas muna ako. May kailangan lang akong tawagan.” Ipinatong ko muna yung baso ng gatas sa may side table ko. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bag ko at lumabas na ako ng kwarto. Naiwan si Ayame sa loob.
***
“Ang hirap naman maghanap ng signal!” Nakataas ang kamay ko habang hawak ang napakagarang cellphone ko. Nakaka-ilang beses na on and off na rin ako sa phone ko pero wala pa rin talagang signal.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.